^

Kutob

Pebrero 21, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang kabuhayan ko ang mag-aangat sa buo kong pamilya. Salamat sa tapat na pangako ng Dios na nagpapasagana.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Sa pagkadulas ng dila maaari kang makasakit ng damdamin ng iba na dapat bantayan. Iwasan ang maging mapagpuna. Maging alerto dahil magiging lapitin ka ng mga taong may hangaring manlinlang. Lucky numbers at color for the day ang 1, 15, 19, 34 at Jade Green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magiging pangkaraniwan ang takbo ng mga pangyayari. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng tulong na dapat hindi pagkaitan. Ang maging tapat sa pakikitungo sa kapwa ay may gantimpalang makakamit. Iwasan ang maluhong mga barkada. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 22, 25 at Electric Blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung may suliranin, makakahanap ng tamang solusyon. Napapanahon para ibaling ang pansin sa sariling kapakanan. Walang magiging sagabal kung ilalagay sa ayos ang lahat. Ikaw ang magsisilbing halimbawa sa pamilya o kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 14, 31 at Mahogany.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang pamamalagi sa tahanan ay magbibigay ng lubos na kasiyahan. Ang labis na pagpupuyat ay magdudulot ng hindi magandang kalusugan, kaya dapat iwasan. Ang magtiyaga ay may kapalit na tagumpay. May surpresang naghihintay. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 17, 26 at Orange.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Samantalang nag-iisip ka ng paraan sa mga gawain may mang-aasar o mangungulit kaya pasensya at hinahon ang dapat gawin. Magiging masaya ang pamilya sa mga binabalak. Matutupad ang pangako o naipangako. Isang surpresa ang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 22, 30 at White.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – May lihim kang taga­hanga. May pakinabang ang nilalakad na transaksyon. Pakinggan ang kutob bago magpasiya at tiyak hindi magkakamali. Pagtuunan ng pansin ang pag-aaral kung gustong makamit ang mataas na grado. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 10, 12 at Platinum Pink.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Mapapaunlad ang pakikipag-ugnayang sosyal kung pagsisikapan. Ang tipanan sa pag-ibig ay kailangang ipagpaliban para walang maganap na sama ng loob. Bigyang pansin ang pakikipag-ugnayan sa komunikasyon. May gantimpalang nakalaan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 19, 27 at Sun Yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Mag-ingat sa pagkagiliw sa pagkaing matatamis, labis ang mantika at maalat. Ang biglaang pangangailangan ay madaling matutugunan kung pagsisikapan. Walang masasayang na sandali sa pagtupad ng tungkulin. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 21, 29 at Garnet Red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Iiral ang katamaran. Matutong makibagay at makiisa sa mga kasamahan. May bagong pag-ibig na darating sa iyong buhay. Makakatulog sa problema ang kaibigan kung kakaila­nganin. May ilan kang kaibigan na hindi mapagkakatiwalaan kaya ibayong ingat sa bawat hakbang at kilos. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 27, 30 at Dollar Green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Paglabanan ang kalituhang nadarama. Huwag magpadalus-dalos at huwag magpatangay sa emos­yon. Isang mapagmalasakit na kaibigan ang makakatulong sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 11, 27 at Red.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – May katunggali ka sa napupusuang dilag o binata. May malaking pag-asang magtatagumpay sa iniibig. Pairalin ang kahinahunan at maging maginoo sa anumang bagay. Makikilala mo ngayon ang iyong soulmate o twin-flame. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 19, 23 at Violet.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Walang dapat panghinayangan sa mga pangyayaring magaganap. Hangga’t maaga ay magising ka sa katotohanan sa ma­ling desisyon. Maging aral ang karanasang naganap. Maganda at maunlad kung magsisimula ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 15, 18, 24 at Aquamarine.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

ISANG

LUCKY

NUMBERS

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with