^

Kutob

Disyembre 17, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang tagumpay ay nasa kamay ko.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Napakalayo ng iniisip mo ngayon. Dapat mag-focus sa bagay na dapat pagtuunan ng pansin at hindi kung anu-ano ang iniisip na wala namang mangyayari. Mahihirapan ka na makapagdesisyon kung sari-sari ang laman ng isip mo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 21, 28 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  Huwag pilitin na magawa ang lahat ng bagay na sarili lamang ang inaasahan. Huwag sayangin ang lakas sa mga bagay na hindi dapat pag-aksayahan ng oras. Minsan kailangan talaga ang tulong ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 32 at avocado green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Marami ang maghahangad sumama sa iyo para sila naman ay maging produktibo. Naniniwala ang mga kasamahan na malaki ang iyong magagawa bilang miyembro ng grupo. Mararamdaman ang kahalagahan ng pera o samahan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 21, 34, 40, 44 at indigo.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kung mahihirapan sa pagdedesisyon, makakabuting humingi ng payo sa malapit na kaibigan kaysa pilitin ang sarili sa hindi kaya. Bigyang halaga ang payo ng higit na nakakaalam dahil ito ang kailangan mo ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 31, 39 at pink.

ARIES (Marso 21- Abril 19) –  Ang matagal nang hinahanap ay maaaring nasa paligid lamang. Baka hindi lang napapansin dahil hindi ito ang inaakalang lugar na inaasahang makita. Huwag nang lumayo ng tingin. Lucky numbers at color for the day ay 12, 28, 37, 45 at peach.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag magsimula ng panibagong gawain kung hindi tapos ang unang ginagawa. Ihanda ang sarili sa problemang maaaring darating sa pinansyal o relasyon. Tiyakin na nasa maayos at mabibigyang pansin ang mga mahahalagang bagay dahil maaaring malayo o mawala nang hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 18, 23 at red.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Ano man ang mangyari, mananatiling matatag at hindi basta susuko. Maging posi­tibo upang maiwasan ang hindi magandang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 24, 32 at purple.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –  Hindi masama na magsaya subalit huwag kalimutan na may mga res­ponsibilidad na hindi dapat pabayaan. Mas nanaisin na mamasyal at magsaya kasama ang ilang kaibigan kaysa pumasok ngayon, dapat itong paglabanan. Lucky numbers at color dor the day ay 18, 26, 30, 37 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Hindi matatapos ang problema kung hindi haharapin at hahanapan ng solusyon. Nasa tabi lamang ang kailangang solusyon kung pagsisikapan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 20, 30, 40 at jade green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Makakabu­ting magmasid, makinig at pag-aralan ang mga pangyayari, saka magbigay ng opinyon o komento. Huwag kaagad magbigay ng reaksiyon sa mga pangyayari sa paligid mo. Huwag gayahin ang iba sa maling gawain para mapanatili ang dignidad at respeto. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 12, 15 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ilang gawain ang matatapos nang hindi gaanong mapagod. Kung gugustuhin, maraming trabaho ang matatapos. Kailangan lamang ang disiplina sa sarili para lalong maging produktibo. Lucky numbers at color for the day 15, 28, 35, 43 at neon green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Sa ayaw o gusto, kailangan nang kumilos. Oras na upang balikan ang mga iniwang trabaho. Bagama’t tinatamad, matutuwa kapag nakitang unti-unting natatapos ang trabaho. Sapat na ang iilang araw sa pagsasaya at pamamasyal, balik trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 34, 39 at lavender.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with