^

Kutob

Disyembre 10, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang lahat ay makakayanan ko, dahil tapat sa Kanyang pangako ang Dios.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Sa bawat araw na nagdaraan makakaramdam ng pagkainip at pagkainis sa sarili dahil parang walang nangyayari. Ito ang tamang panahon para isakatuparan ang matagal nang binabalak. Kung nag-a-apply, lakarin at may pag-asa. Lucky numbers at color for the day ay 12, 20, 33, 41 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kaya masaya ang minamahal ay dahil sa naging mapagparaya at hindi naging makasarili. Ang maging maalalahanin ay may ganting pagmamahal. Kung naging makasarili ka noon, ngayon dapat baguhin bago maging huli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 21, 38 at light blue. 

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Iwasan ang pagka-agresibo, dahil sa halip na mapalapit ang kalooban sa minamahal ay mawawalan ng tiwala. Kung magiging mapusok, daranasin ang kapahamakan. Matutong tumanggap ng kabiguan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 29, 36 at blue.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Palipasin sa kabilang tainga ang maririnig. Huwag patulan ang naghahanap ng gulo. Mapapatunayan na ang maunawain ay hahangaan ng kapwa. Makakagawa ng isang bagay na hahangaan ng marami. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 28, 33 at white.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Pagbigyan ang kahili­ngan ng nakakarami. Ito ang tanging paraan para maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob. Sa pag-ibig, makakarating sa kaalaman ng kapares ang pakikipagrelasyon sa iba kung ito ay ginawa. May paliwanag kang gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 18, 24, 34, 40 at jade green.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mag-ingat sa pagsasalita ng hindi mapahiya sa kapwa. Huwag damdamin ang pangyayari dahil makakabawi ka sa ibang paraan. Mag-ingat ngayon dahil magiging malapit sa iyo ang magnanakaw o ma-hold-up. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 26, 39 at fuchsia.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) –  Kung may problema, makikilala ang tunay na mga kaibigan. Sa oras ng kagipitan at pangangailangan masusubok ang tunay na kaibigan. Ngayon mo makikilala kung sino ang tunay na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 19, 25, 37 at sky blue.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang mga bagay na sinasabi sa iyo. Umaksiyon, huwag pahintulutang manatili sa dibdib ang kinikimkim na sama ng loob. Ipaglaban ang kapakanan. Maging tapat sa tunay na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 20, 27, 35, 42 at orange.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magiging masaya ang susunod na mga araw ngunit nakakalungkot na malamang ngayon ay matamlay ka. Maging maunawain at makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga bagay na mahalaga sa iyo. Ang tunay na pag-ibig ay nakikita sa gawa. Lucky numbers at color for the day ay 13, 26, 32, 41 at yellow.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Isiping mabuti ang mga dapat na gawing hakbang bago kumilos. Lalong makakasama sa binabalak ang mga desisyong walang katuturan. Pag-isipan ang kalalabasan ng gawain kung magbubunga ng kabutihan o kasamaan sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 26, 37 at lilac.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Huwag mainis kung magiging makulit ang mga taong nakapaligid dahil sadyang malapit ka ngayon sa mga ito. Nais lang nilang may patutunguhang maganda ang iyong pinaghirapan. Huwag maging waldas sa pera. Lucky umbers at color for the day ay 10, 21, 29, 37 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Suliranin sa pag-ibig ang magdadala ng katamlayan. Kung hindi mapaglabanan hahantong sa isipan na sisirain ang sarili. Huwag mag-alala dahil sadyang hindi siya bagay sa iyo at pagsisisihan mo kung magkakatuluyan kayo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 37 at gray.

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with