^

Kutob

Nobyembre 18, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang lahat ng pangangailangan ko ay tinutugon ng Dios ayon sa Kanyang pag-ibig at grasya.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Tuluyan nang mawawala ang minamahal at hindi maiiwasan na sisihin ang sarili. Mapapatunayan na mahalaga pala siya sa iyo, ngayong wala na siya sa piling mo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 25, 30 at violet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Dis­yembre 21) – Walang problema sa pera. Maayos ang lagay ng kalusugan. Sa kabuuan, masaya at magaan ang pakiramdam. Walang dapat ikabahala, magiging maayos ang takbo ng buhay sa mga susunod pang mga araw. Lucky numbers at color for the day ang 10, 29, 35, 43 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mapapalapit ng husto sa isa’t isa kung malalaman ang nilalaman ng damdamin. Magiging makulay at masaya ang takbo ng relas­yon nang hindi kinakailangan na mag-aksaya ng pera. Sa simpleng pagpapakita ng pag-aalala at pagkalinga, maipadarama ang  pagmamahal. Lucky numbers at color for the day ang 5, 26, 38, 45 at green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Maraming gawain subalit kailangan ang pagpapahinga dahil ito ang tawag ng kalusugan. Iwasan ang magpagod, matuyuan ng pawis o maambunan dahil may kahinaan ang pulmon. Isang kasambahay ang maglalambing na dapat pagbigyan dahil madalas kayong magkita at magkasama. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 36 at fuchsia.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Unti-unting makakamit ang tagumpay. Medyo may kaunting hindi pagkakaunawaan na namumuo sa tahanan subalit hindi ka direktang kasali. Subukang ayusin ang sigalot at tiyakin na hindi makakasali sa kaguluhan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 34, 41 at brown.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magandang balita ang darating. Maaaring may kinalaman sa trabaho, kaibigan o kamag-anak. Ano man ito, isa lang ang tiyak, napakagandang hinaharap ang nakatakda. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 23, 26 at peach.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Malaking pagbabago ang nakatakdang mangyari. Mapagtatantong kaya palang paunlarin ang sarili sa abot ng makakaya nang hindi nakapeperhuwisyo ang iba. Positibo ang hatid ng hinaharap. Lucky numbers at color for the day ang 5, 20, 33, 40 at royal blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Labanan ang katamaran dahil walang matatapos na gawain. Alisin sa sistema ang madalas na ikatuwirang mahaba pa ang oras dahil hindi mamalayan ang pagtakbo nito at masasayang lamang. Kung gustong umunlad, magsikap at maging maagap. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 31, 39 at brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kalimutan ang nangyari. Ang mahalaga ay ang ngayon at bukas. Isipin na may mga bagay talagang nangyayari na taliwas sa inaasahan. Ang pagkakamali ay natural kung isasaalang-alang na magsilbi itong aral para hindi na maulit. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 36 at sapphire blue.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) –   Malaki ang tiwala mo sa sarili ngayon. Lalo pang lalaki ang tiwala sa sarili kapag nakita ang positibong resulta ng ginagawa. Tiyak na mapapagod ng husto subalit hindi ito iindahin dahil sa tuwa at ligaya. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 41 at maroon.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ilang pagbabago sa trabaho ang makapagpapalito. Pilitin na matutunan ang pagbabagong ito para matapos ang kalituhan at maging produktibo. Huwag makisali sa problema ng iba dahil ikaw ang maaapektuhan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 21, 28, 35 at beige.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Mapagtatanto na parang walang patutunguhan ang buhay subalit hindi dapat mag-isip ng negatibo dahil magiging negatibo ang resulta. Mabuting maglaan ng oras na makapag-isa at suriin ang sarili kung ano talaga ang pangyayari at alamin kung ano ba talaga ang kulang. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 24, 39 at purple.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAHIL

DAY

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with