^

Kutob

Nobyembre 14, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Maganda, masaya at malusog ang aking katawan araw-araw.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) –  Sa dami ng mga activities, daranasin ang pagod ngunit ang kapalit ay kaligayahan dulot ng pag-ibig. Pag-ibig ang dahilan kung bakit magiging active ang katawan subalit bigyang prayoridad ang kalusugan. Paglaanan ng panahon ang pagpapahinga dahil magiging mahina ang pulmon at madaling kapitan ng sipon. Lucky numbers at color for the day ang 12, 13, 39, 42 at pink.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Dahil sa hangad na umunlad, hindi tama na sirain ang kapwa para umangat. Walang makakaligtas sa prinsipyo ng karma. Hindi pa huli ang magbago, simulan ngayon at tiyak lalandasin ang tagumpay. Sa sariling sikap, matamis ang tagumpay na maaangkin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 14, 27, 34 at dollar green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Matatagpuan ang tamang solusyon sa problema tungkol sa hanapbuhay subalit mapag-iiwanan ang kaunting problema sa tahanan. Kung tututukan ang problema sa tahanan, tiyak may solusyong matatagpuan. Huwag ipagwalang bahala ang suliranin, dahil kung hindi aaksiyon, tiyak na lalala. Lucky numbers at color for the day ang 10, 13, 34, 39 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – May oras sa trabaho at paglilibang gayundin sa pamilya. Sa pagkakataon ngayon, bigyan ng sapat na panahon ang mga mahal sa buhay. Kailangan nila ang iyong kalinga at payo. Nasa tamang daan ang progreso sa buhay, sikapin na hindi lumihis ang landas. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 23, 42 at neon green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Magpapabagu-bago ang timpla ng iyong ugali ngayon. Magpasalamat kung hindi magiging lamang ang pag-init ng ulo dahil tiyak maraming masasaktan sa mga makakaharap na masasakit na salita. Mabuting magtimpi dahil baka makasagupa ng katapat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 18, 22 at sky blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) –  Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte o ligaya subalit isang kapwa Aries ang magbibigay ng problema o sakit ng damdamin. Iwasan pansamantala ang mga kilalang Capricorn dahil kapag may kaguluhang mangyayari, hahantong sa hindi maganda ang sitwasyon. Lucky numbers at color for the day ang 22, 24, 31, 43 at red.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) –  Ang suwerte ay minsan lamang kakatok sa pintuan, huwag paalpasin. Maghanda kung anuman ang darating. Kung inaakalang mabuti at ikakaunlad, sunggaban at huwag bigyan ng pagkakataon na makawala. Maunlad ang negosyo o pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ang 10, 20, 14, 41 at blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Maisasantabi muna ang lovelife dahil ang focus mo ngayon ay ang pinansiyal na aspeto. Pinansiyal ang problema kaya gagawin ang lahat ng paraan upang makamit ang kailangan. Sa suliranin, iwasan ang ilegal na gawain dahil kapahamakan ang sasapitin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 29, 38 at aqua blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –  May maganda at kapangitang lilitaw tungkol sa pribadong buhay. Ngunit huwag mabahala dahil sa huli ay magwawagi kung magpapaliwanag ng mahinahon. Iwasan ang magalit at maging emosyunal. Magandang pagkakataon na maipakita ang paninindigan at pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 14, 16, 36, 37 at light gray.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –   Maging mahinahon sa pagkilos, pananalita at sa pag-gawa para maiwasan na makasakit ng kapwa o magkamali. Dahil sa kalituhan, makakabuting suriin at pag-aralan muna ng mabuti ang mga bagay na dapat gawin. Kung may mangungutang, dapat hindi pagbigyan dahil matagal bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 28, 40 at white.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –  Basta sa katuwiran, ngayon mo dapat ipakita na may pang-gulpi de gulat kang itinatago dahil may iilan na sobrang mapang-abuso sa iyo. Ang walang imik ay nakakabuti ngunit hindi nangangahulugan na wala kang damdaming nasasaktan. Panindigan kung anong ginawang desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 19, 22 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Walang perpek­tong relasyon, away, tampuhan, bati nandiyan lahat. Ngayon dapat iwasan na magkaroon ng alitan sa minamahal dahil kapag nagkataon, hahantong sa matagal na tampuhan o magkakahiwalay. Pairalin ang pagkamahinahon at pasensiya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 17, 39, 41 at white.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAHIL

DAY

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with