^

Kutob

Oktubre 31, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Maaasahan ang pangako ng Dios, bukas bayad na ang mga utang ko.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang bagong kakilala ay makakatulong sa negosyo o problema. Ang hinahangad ay nasa tamang landas kung hindi magbabago ang pagsisikap. Huwag magpadalus-dalos at patangay sa emosyon dahil walang mangyayari kung ganito ang paraan sa paglutas ng problema. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 25, 32 at olive green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magkakaroon ng bahagyang pagtumal sa negosyo. Magtabi ng pera para may madukot sakaling dumating ang panahon ng kagipitan. Magiging sensitibo ang minamahal kaya hinahon at pasensiya ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 22, 33 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Pakinggan ang ipagtatapat ng kasuyo o minamahal tungkol sa kanyang suliranin. Kailangan ng karamay, pag-unawa o tulong ng kaibigan, kasambahay, kamag-anak o kasamahan. Kakambal ng pagmamahal ang pagdamay sa hirap at ginhawa kaya gampanan ang dapat. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 24, 32 at cannary yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Bawat taong makakausap kung sasabayan ng matamis na ngiti, mabilis na makukumbinsi. Kabaligtaran ang mangyayari kung magiging tahimik at walang kibo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 15, 27, 30 at chocolate brown.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – May mapapansin kang kakaibang kilos ng mga kasamahan. Makakabu­ting makipag-usap sa kanila upang magkaunawaan at makapagdulot ng katahimikan sa sarili at mawala ang duda. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 32, 40 at white.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Iwasan ang magbigay ng komento para walang makasagupa at makaaway. May higit na dapat pag-ukulan ng panahon upang guminhawa ang buhay. Bagay na maging matahimik ngayon dahil kung madaldal, may makakasagupa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 29, 34 at royal blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Posibleng malagay sa panganib ang mga ari-arian. Malabong magkapera kung aasa sa sugal o sa hingi. Kailangan ang sikap at tiyaga upang matupad ang pangarap. Tatahakin ang tamang landas kung may sisimulan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 18, 26 at blue gray.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Katamtaman ang pasok ng pera subalit limitahan ang labas upang hindi makaranas ng kakapusan sa hinaharap. Unahin ang mga bagay na kailangan ng pamilya upang hindi magsisi. Huwag balewalain ang tampuhan at hanapin kaagad ang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 28, 35 at peach.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Nasa kamay ang kapalaran kung seguridad sa trabaho ang pag-uusapan. Ingatan ang tungkulin, ipagkatiwala dahil bahagi ito ng pagsubok sa kakayahan. Kung pumaltos ka, walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 37, 43 at cream.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Malamang mapapasok ka sa isang kasunduan nang hindi napag-iisipan, basta dala lang ng bugso ng damdamin. Ito ang dapat ingatan. Lagdaan lang ang kasunduan kung ganap na nauunawaan ang nakasaad dahil maaari kang mapeke o madaya. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 26, 35 at red orange.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Maaaring maging mabigat ang karamdaman ngayon bunga ng pagpapabaya sa kalusugan. Pakinggan ang paalala ng minamahal. Kung walang karamdaman, magiging masigla at masayahin at maraming ginagawa. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 21, 31 at aquamarine.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Isang tao na malaki ang tampo sa iyo ay malamang kusang lalapit. Kung inaakala na nasa katuwiran, panindigan ang prinsipyo subalit kung inaakalang nagkamali, ang paghingi ng disiplina o paumanhin ay hindi nagpababa ng pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 16, 23, 31, 39 at ocean blue.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEMBRE

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with