^

Kutob

Oktubre 30, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Salamat sa sapat na biyaya ng Dios sa lahat ng pangangailangan ko. 

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Hindi maiiwasan ang argumento ngunit maiiwasan ang mapa-away. Huwag patulan ang argumentong magsisimula sa hindi pagkakaunawaan. Kung mayroong hindi napagkasunduan, maging kalma at iwasan na makumpromiso. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at lilac.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Nasa kondisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang para magkamali kaya kung may mga bagay na kailangang pagdesisyunan, gawin. Maganda kang makisama ngayon dahil masayahin at kahit saan ay maaaring yayain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mag-ingat sa mga ginagawa at tiyaking hindi labag sa kaganda­hang-asal o hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Tiyakin na ang mga ginagawa ay nasa isip at hindi dikta ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Mag-ingat sa mga sinasabihang tao dahil baka ang balita na sana ay maganda ay maging pangit dahil sa paraan ng pagtanggap ng iba. Iwasan ang magyabang. Tiyakin na ang bawat sasabihin ay totoo dahil mabubuking. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kung magiging magulo ang sitwasyon sa relasyong pinapasukan, walang masama kung putulin hangga’t maaga. Alalahanin ang kapakanan ng sarili ang dapat unahin bago ang iba. Hindi ka maaaring makatulong sa iba kung kailangan ito ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Isang proyekto ang hahamon sa talino at galing. Malamang mahihirapan subalit kung pagsisikapan, tiyak magtatagumpay. Lahat ng nalalaman ay tiyak na magagamit sa kasalukuyang proyekto. Pagsikapan na mapagana ang imahinasyon sa mga gawain. Lucky numbers at color for the day 10, 23, 32, 43 at silver.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Tuluyang mawawala ang minamahal dahil sa pride at hindi maiiwasan na sisihin ang sarili. Ang desisyong gagawin ay panindigan ng buong tatag kahit ito ay masakit. Kung kayo ang magkakatuluyan, tiyak na hindi magiging maligaya ang pagsasama. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at rainbow.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) – Walang problema sa pera. Maayos ang kalusugan. Sa kabuuan, masaya at magaan ang pakiramdam. Walang dapat ikabahala, magiging maayos ang takbo ng buhay sa mga susunod pang mga araw. Lucky numbers at color for the day ay 10, 29, 35, 43 at golden brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Lalong mapapalapit sa isa’t isa kung malalaman ang saloobin sa bawat isa. Magiging makulay at masaya ang takbo ng relasyon nang hindi kailangang mag-aksaya ng pera kundi sa simpleng pagpapakita ng pag-alala at kalinga. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Maraming gawain subalit kailangang bigyan ng panahon at magpahinga. Bigyan ng pansin ang kapakanan ng kalusugan. Isang kasambahay ang maglalambing ngunit maghanda dahil may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at jade green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –  Magdiwang dahil unti-unting makakamit ang tagumpay kung patuloy ang pagsisikap. May kaunting hindi pagkakaunawaang namumuo sa tahanan o pinapasukan. Subukan ang mamagitan para ayusin, tiyakin lamang na hindi ka makakasali sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 at violet.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag magpadalus-dalos sa gawain o desisyon dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali sa iyong panig ngayon. Huwag basta maniniwala sa matatamis na salita at baka madaya o maloko. Malamang isang hindin inaasahang pangyayari ang magaganap. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at beige.

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with