^

Kutob

Oktubre 24, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Kakambal ng kalayaan ng bibig sa pagsasalita, ang responsibilidad sa bawat salitang lalabas dito.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Nasa kondisyon ang isip at relax ang katawan. Kailangan ang lakas ng katawan sa haharaping problema. Alisin ang galit na namamahay sa dibdib dahil magpapabigat ito ng swerte. Patawarin ang mga taong nagkasala. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 35, 40 at gray.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ilang kaibigan ang makakatulong na maituwid ang maling pananaw tungkol sa suliraning pampuso. Kung may suliranin, payo ng iba ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 30, 36 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung may akusasyon o pagbibintang, magkakaroon ng liwanag. Kung kasangkot sa hindi pagkakaunawaan, maghunos-dili at iwasan ang hindi magandang mangyayari. Kung may suliranin, ayusin sa mahinahong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 24, 31, 43 at jade green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ngayon maisusulong ang planong pangkabuhayan na matagal nang iniisip. Magandang oportunidad ang lumalandas kaya maging handa para hindi makawala. Maging alerto at maagap. Aksiyon ang kailangan kung kaunlaran ang pakay. Lucky numbers at color for the day ay 1, 17, 25, 38 at blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Sasang-ayon sa panukala ang nakakataas. Mabibigyan ng kahalagahan ang pagsisikap. Lingunin ang pinanggalingan kung gustong marating ang patutunguhan. Huwag magmalaki o magyabang kung gustong umunlad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 15, 27, 32 at tangerine.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Malamang may intrigang maririnig na sisirain ang mood. Huwag pansinin ang negatibong maririnig nang maiwasan ang gulo. Magpasalamat dahil mahaharap ang matagal nang plano. Kung maiiwasan na mag-init ang ulo o magalit, magiging maswerte ang susunod na araw. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 27, 32 at lavender.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magiging tahimik ka ngayon. Malamang may dadalaw na kaibigan o kamag-anak mula sa ibang lugar. Magandang oportunidad ang naghihintay kung makakadalo sa isang pagtitipon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 26, 43 at moss green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Malamang may masasaksihan kang isang pangyayari na hindi makakalimutan o matuturuan ka ng leksiyon. Iwasan ang maging madaldal dahil madali kang pag-iinitan ng kapwa. Kunsensiya ang maghahari sa kalooban kaya hanapan ng paraan upang gumaan ang damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 34, 44 at orange.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Magiging agresibo ka. Iwasan ang usapang kasiraan ng kapwa. Huwag magpadala sa pagka-agresibo ng kaibigan dahil mapapahamak ka. Pag-ukulan ng pansin kung ano ang kailangan ng mga mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 25, 42 at turquoise.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung iiral ang gusto na makipagsosyalan, ituloy dahil may mapapala. Kung may gustong gawin, ituloy dahil positibo ang resulta. Kung may iniiwasan, dapat iwasan ng husto dahil mapapahamak ka. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 18, 26 at green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Mailap ang kapayapaan ng loob. Patawarin ang taong matagal nang kinaiinisan. Ipagpatuloy ang nasimulan. Maging alerto sa mga gawain upang hindi magkamali o mapahamak. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 27, 33 at red.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Malulutas ang kagipitan kung may dinaranas ngayon. Manatiling mahinahon. Lumayo sa taong mapusok dahil maaaring ipahamak ka sa kaguluhan. Kapakanan ng sarili ang dapat intindihin bago ang iba. Iwasan ang lubos na pagtitiwala. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 28, 31 at indigo.

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with