^

Kutob

Oktubre 17, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang kapayapaan ng Dios ang maghahari sa akin.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Lahat ng bagay na sinimulan ay siguradong tatakbong maginhawa dahil sa kasiglahan. May kasamahan na naghahangad ng iyong puwesto o katungkulan kaya dapat maging alerto at pag-ibayuhin ang pagganap ng katungkulan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 23, 36 at sky blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung may napupusuan, alamin muna ang mga bagay tungkol sa kanya bago magpahayag ng tunay na damdamin. Ma­ging praktikal at huwag maghangad ng labis na hindi kaya. Ang matagal nang gustong malaman ay malalaman. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 29, 35 at citrine yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Nasa tamang landas ang gustong makamit. Kaunting panahon na lamang ang hihintayin at mapapasakamay na ang hinahangad. Huwag mawalan ng pag-asa. Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga. Iwasan ang mag-isip ng negatibo dahil negatibo din ang magiging resulta. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 7, 31 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – May sasalungat sa binabalak subalit ang galing mo ang mangingibabaw. Maganda ang takbo ng pananalapi o negosyo subalit huwag magpabaya. Suriin ang mga detalye ng transaksiyon bago pumalaot. Iwasan ang labis na tiwala. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 21, 39 at lavender.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Makakatulong ng malaki ang payo ng mga matatanda para maging matatag sa pagtanggap ng responsibilidad. Iwasan ang mapikon o magalit sa biro at kantiyaw dahil sisirain ang iyong mood sa buong araw. Ang hindi inaasahang pangyayari ay magbibigay sigla sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 2, 21, 37, 43 at white.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Huwag magtiwala at ipagkaloob ang sariling tungkulin o responsibilidad sa ibang tao dahil magiging daan ito laban sa iyo. Magiging batayan sa ikaliligaya ng minamahal ang iyong pangako kaya huwag mangako kung hindi kayang tuparin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 17, 34, 45 at violet.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magandang balita ang matatanggap mula sa malayong lugar na siyang magbibigay kasiglahan. May kasiyahan kang maidudulot sa mga magulang, kaibigan o kamag-anak na matagal nang hinihintay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 18, 24 at navy blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Malakas ang ESP na magagamit sa paglutas ng sariling problema o suliranin ng iba. Nasa panig ang gawaing metal kaysa pisikal. Walang sagabal sa lahat ng gawain. Inaayunan ng panahon ang magsimula ng magandang hinaharap. Lucky numbers at color for the day ay 6, 13, 28, 31 at cannary yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Maganda ang panahon para makipag-date. Huwag mabahala sa mangyayari at kakampi mo ang panahon. May konting suliranin na lilitaw ngunit huwag maging emosyonal at dadaan lamang na parang hangin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 25, 30 at mint green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag magmadali sa hinahangad ngunit kung may magandang pagkakataon, kilos kaagad at huwag pakawalan. Pag-isipang mabuti ang payo bago gumawa ng desisyon. Pag-aralan ng mabuti  ang tinatahak na landas para hindi maligaw. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 33, 36 at magenta.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Sa pagpapahayag ng damdamin, mag-ingat sapagkat maaaring humantong sa hindi pagkakaunawaan at magiging sanhi ng samaan ng loob. Huwag magpadalus-dalos. Pag-isipan ang bawat hakbang bago magdesisyon sa gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 17, 30 at fuchsia.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Marami ang dapat gawin subalit ang pagkalito ng isipan ay magi­ging dahilan ng pagka-alintana. Lalong mapapabilis ang makuha ng tagumpay dahil sa suporta ng minamahal. Isang kamag-anak ang maghahatid ng balita na maaaring ikalungkot o ikaligaya. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at jade green.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

PAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with