^

Kutob

Oktubre 15, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Positibong pag-iisip, positibong pakiramdam, positibong araw ang nakaabang sa akin.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Kung sa akala ay may mga bagay na kaila­ngan baguhin sa tahanan, tamang panahon para simulan ito. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 11, 39 at tangerine.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Huwag sirain ang magandang araw dahil sa biro, kantiyaw o tsismis. Pagtawanan kung ano ang maririnig na laban sa sarili, na kunwari ay bitin sila kung totoo o hindi ang paratang. Kung ang mga ito ay magagawa, magiging maaliwalas ang buong araw at magiging maligaya ang pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 38, 41 at aquamarine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Hindi matatakpan ng ka­rangyaan ang anumang pagkukulang sa loob ng tahanan. Panahon na para resulbahin kung may suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 26, 34, 37 at white or dirty white.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –  Kung makikinig sa opinyon ng magulang o nakakatanda tungkol sa binabalak, walang magiging dahilan para magkaroon ng sagabal at tiyak magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 39, 40 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20-Peb­rero 18) – Ang makisa­lamuha at makipag-ugnayan sa mga propesyonal ay makakatulong sa kasalukuyang hanap-buhay. Mag-ingat sa pagpili ng kakaibiganin dahil malapit ka sa mga tao na gusto kang gamitin para sa kanilang personal na inte­res. Lucky numbers at color for the day ay 1, 11, 32, 35 at sky blue.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Pag-ibig ang dahilan ng kasiglahan. Masayahin ka ngayon at madaling malapitan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 22, 31, 40 at yellow.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung may suliranin,  magpahinga at kalmahin ang sarili para makapag-isip ng magandang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 21, 33, 36 at dollar green. 

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang matalik na pagkakaibigan ay malamang mauwi sa pag-iibigan. Kung sinagot ngayon ng nililigawan, tiyak magkakatulu­yan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 28, 38, at flaming red. 

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Posibleng may pangyayari na hindi inaasahan. Kung ito ay pangit o maganda, panahon ang makapagsasabi. Iwasan ang maglakad sa gabi. Mag-ingat sa hold-uppers o snatchers. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 32 at avocado green.   

CANCER (Hunyo 22-Hul­yo 22) – May surpresang naghihintay sa tahanan, pinapasukan, kaibigan o kamag-anak. Ngayon maipapamalas ang nakatagong kakayahan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 20, 26, 35 at straw berry.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag ituloy kung may balak na maglakbay lalo na kung tatawirin ang dagat. Anuman ang binabalak, ipagpaliban muna. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 11, 22 at ivory white. 

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 23) – Maaaring makatanggap ng balita na matagal nang hinihintay. Posi­bleng may bagay na matatanggap mula sa suitor. Lucky numbers at color for the day ay 15, 23, 38, 40 at jade green.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

KUNG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with