^

Kutob

Oktubre 2, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang bahagi ni Hesus sa buhay ko ang nag-iingat sa puso ko.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Mauubos ang oras na walang mangyayari kung aasa sa iba. Kung gustong matapos ang gawain kumilos kahit mag-isa. Huwag aksayahin ang panahon kahit na ang iba ay ayaw tumulong. Sariling kapakanan ang dapat bigyan ng prayoridad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 39 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Mag-ingat sa bibitiwang salita dahil may magagalit o masasaktan na damdamin. Mabuting maging tagapakinig kaysa maging tagapagsalita. Kung may sasabihin, tiyakin na walang masasaktan sa sinabi. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 31 44 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ma­ging praktikal, sabihin kung ano ang gustong sabihin. Makakabuting ilabas ang sama ng loob kaysa patuloy na kinikimkim. Walang mangyayaring solusyon sa pagmumukmok at pag-iyak. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 22, 30 at royal blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Isang tao ang aakit ng atensiyon. Bago mahulog nang lubos ang kalooban alamin muna ang kanyang pinanggalingan at pagkatao. Huwag magtiwala dahil nakapaligid ang mapagkunwari. Maging alerto para hindi mapeke. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 29, 41 at brown.  

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang problema sa relasyon kung patuloy na magbubulag-bulagan ay walang solusyon na mangyayari. Patuloy ang paghihirap ng minamahal dahil sa relasyong nanganganib na masira. Kung pagtutuunan ng pansin, madaling makakahanap ng tamang solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 27, 39 at yellow. 

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Hindi mo dapat ipilit sa kanya kung ano ang ayaw niya dahil pagmumulan ito ng hindi pagkakaunawaan at malamang hahantong sa away. Tingnan mo ang iyong mga nakaraan nang makaiwas sa muling pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 35 at red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung magmumukmok ka nang dahil sa isang tao ay pinahihirapan mo lamang ang iyong sarili. Tanggapin ang pagkakamali ng iba dahil walang taong perpekto sa mundo. Kung masakit ang loob dahil sa kagagawan ng iba, mabuting kausapin sa mahinahong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 29, 38 at peach.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Maaaring maging abala ka sa gawain o sa paghahanda na siyang magbubunsod na mapikon agad. May dapat kang pakinggan na suhestiyon at nasa iyo kung susundin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 26, 37 at navy blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Iwasan ang makagawa ng bagay na makakasakit ng kalooban ng minamahal dahil hahantong sa matagal na tampuhan. Pairalin ang pagkamaunawain at pasensiya sa kasam-bahay at kasamahan. Maaaring may magtampo o magkaroon ng hinanakit. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 36, 45 at green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – May darating na suliranin ngunit madali mong  malulutas. Tuklasin ang dahilan kung bakit hindi nangyayari ang gusto mong mangyari. Ikaw lamang ang makakatuklas kung bakit may kapalpakan ka. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 37, 42 at fuchsia.  

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung inaakalang ikaw ang nagkamali at gustong magkabati, huwag mahiyang ikaw ang unang lumapit. Masusorpresa ka sa araw na ito dahil may mangyayaring hindi inaasahan. Mag-ingat sa anumang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 29, 30 at cream.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Iwasan ang sobrang subsob sa trabaho at kakaisip sa pagresulba ng problema. Magiging maayos ang situwasyon kung magre-relax o mamamasyal para makasagap ng panibagong enerhiya ng kalikasan. Huwag hayaan na maapektuhan ang sarili sa biro dahil ikaw ang talo. Hangga’t maaari makisayaw sa tugtog. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 41 at peach.

 

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with