^

Kutob

Setyembre 16, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Si Hesus ang bahala sa akin.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Kung hirap noon, sagana ngayon. Kung panay hinanakit sa nakalipas, kaligayahan ngayon. Nasa itaas ka sa gulong ng buhay, dapat paghandaan ang panahon kung nasa ilalim. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 24, 30 at light blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Mapalad sa larangan ng pag-ibig. Angkin ang talas ng ESP na makakatulong sa kaibigan na may suliranin. Huwag maniwala sa mga impormasyong matatanggap, suriin o siyasatin muna bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 24, 28, 34 at green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Huwag baguhin ang dating mga balak. Taliwas o kabaligtaran sa inaakala ang mangyayari. Isang kapwa Scorpio ang magbibigay ng hinanakit. Isang Libra ang magbibigay ng kaligayahan o kasiyahan. Maaayos at mabuting pamamahala ang dapat gawin upang magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 33, 40 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Masaya at maaliwalas ang mga Sagittarius. Mapapawi ang mga suliranin na pangtahanan. Masigla at makulay ang daigdig sa pag-ibig. Posibleng makatanggap ng magandang balita tungkol sa trabaho o negosyo. Makakatagpo ng bagong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 34, 39 at peach.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Matalas ang isip. Naaayon ang paglagda ng mahahalagang papeles o kontrata. Naaayon ang magpa-interview o kumuha ng pagsusulit o examination. Kabigha-bighani ka at masayang kausap. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 30 at blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – May sagabal sa binabalak sa pagtatapat ng saloobin. May matutuklasan na ikakagalit. Magkakaroon ng hindi magandang relasyon sa bagong kakilala o kaibigan. Suliranin sa trabaho o tahanan ang magbibigay ng tamlay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 14, 22 at red.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Babatakin ka ng galamay ng tukso. Pag-isipan muna kung makakabuti o makakasama ang gagawin bago pumalaot. Kung hindi mag-iingat, mapapasubo o mapapahamak. Lucky numbers at color for the day ay 7, 25, 40, 42 at indigo.

ARIES ( Marso 21 - Abril 19) – Isang Leo ang makapagpapainit ng ulo. Ang pagtitimpi ay dapat pairalin. Iwasan ang paanyaya ng mga kaibigan. Huwag umistambay sa labas ng tahanan sa gabi. Lucky numbers at color for the day 3, 5, 22, 39 at white.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Sundin ang dikta ng isip at hindi ang puso. Iwasan na maging mapusok sa pag-ibig dahil ipapahamak ka. Huwag padala sa matatamis na salita. Mapalad at masuwerte sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 13, 40 at gray.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang pagiging mapamaraan at pakikibagay ang dapat pairalin. Tiyakin na walang masasaktan sa mga salita o gawa. Mapapa­lawak ang sirkulo ng pakikipagkapwa. Sa mga gawain, isa-alang-alang ang kapakanan ng kaligtasan ng iba at sarili. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 20, 36 at green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Malamang may hindi inaasahang panauhin. Walang sagabal sa lalakarin o gagawin. Matiwasay na matatapos ang nasimulan. Kung magsisimula ng negosyo, magiging maunlad. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 26, 33 at beige.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Walang sagabal kung makikipagkasundo sa nakasamaan ng loob. Naaayon na maglakbay sa malayo o malapit. Ang mangyayari ay magsisilbing isang leksiyon. Malamang na may matuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 20, 32 at orange.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NAAAYON

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with