^

Kutob

Agosto 22, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa kalakasang kaloob ng Dios, sisikapin kong mapaglingkuran ang mga tao sa aking paligid.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) Huwag labis na mag-focus sa isang bagay, mababalewala ang iba. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Huwag hintaying mawala nang tuluyan ang isang bagay bago mapagtanto ang kahalagahan nito. Lucky numbers at color for the day ay 15, 27, 35, 40 at green. 

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakarating din sa patutunguhan. Maraming daan sa landas ng tagumpay subalit ang nag-iisang landas na sadyang inilaan sa iyo ay siya pang kinakatakutan mong tahakin. Tiwala sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 33 at maroon.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Huwag kaagad sumuko. Maging mapagtimpi sa pagharap ng pagsubok. Alalahaning hindi lahat ng solusyon sa problema o hangarin sa buhay ay makukuha sa isang iglap lang. Kadalasan, mahihirapan muna bago makamit ang gusto. Hirap ang kapalit sa tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 37, 44 at jade green. 

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang lalaki o babae na makapagpapatibok ng puso. Lahat ng gustong gawin ay ipagpatuloy dahil magtatagumpay. Malamang may manghi­hingi ng iyong payo tungkol sa pag-ibig  o personal na suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 24, 38 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Sa halip na maghanap ng ibang bagay, bigyang-halaga ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi nagustuhan ang nasa sa iyo, hanapan ng paraan para makamit ang gusto sa magandang paraan. Iwasan ang manira ng kapwa dahil sa inggit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at pink. 

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag pa­gurin ang sarili sa paggawa ng bagay na hindi naman talaga kaya o hindi nauunawaan ng lubusan dahil magsasayang ka lang ng pagod at oras. Ang tagumpay ay nakasa­lalay sa iyong positibong katangian at hindi sa iyong kahinaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 33 at orange. 

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung may hindi alam, pag-aralan nang matutuhan. Hindi man lubusang maunawaan, mahalaga na kahit kaunti ay may nalalaman. Kung gustong magtagumpay, matutong makisayaw sa tugtog ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 23, 41 at yellow.  

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Mahalaga ang magplano at isipin ang gawain nang makaiwas sa pagsasayang ng oportunidad o oras. Huwag mag-madali kung sa tingin ay may magandang oportunidad na darating. Kung alam ang tamang paraan patungo sa tagumpay, makakarating ka doon nang walang sagabal. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 34, 45 at purple.   

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Malamang maganda ang pakiramdam sa hangad na makakawala sa impluwensya ng nakakairitang tao subalit magiging kum­plikado ang sitwasyon. Ang pinakamainam mong gawin ay ituloy ang isang planong matagal mo nang itinakda. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 23, 40 at orange.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Sumunod ka sa agos ng mga kasamahan kung ayaw mong magkaroon ng kaaway. Kahit labag sa kalooban, sundin ang gusto ng magulang. Magsisisi ka kung paiiralin ang tigas ng ulo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 39, 40 at red.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Bigyang pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong sa ikatutupad ng pangarap. Lahat ng gawain ngayon ay nakatuon sa pagkamit ng magandang kinabukasan. Maaaring sa sobrang focus ay may bagay kang makakaligtaan. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 28, 40 at indigo. 

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Makakakilala ng tao na sa kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang magsisilbing guro para matutuhan ang maraming bagay sa paligid. Huwag pansinin ang anumang maririnig na masakit na mga salita sa tahanan. Iwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 27, 32 at violet.

vuukle comment

ABRIL

BAGAY

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with