^

Kutob

Agosto 20, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang hindi nagbabagong pag-ibig ng Dios ang seguridad ko sa buong araw.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Huwag ipagkaila ang nararamdamang pagseselos. Makakabuting ipagtapat nang magkaliwanagan kaysa tumahimik at sarilinin dahil kapag hindi nakayanan, malamang hahantong sa karahasan. Natural lamang ang magselos kung nasa lugar. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 22, 27 at beige.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) –  Bigyan ng atensiyon at pag-ukulan ng panahon ang relasyon na maaaring masira nang dahil sa kapabayaan. Timbangin ng husto ang gagawin kung tama o mali bago umaksiyon. Kung magulo ang isip at hindi alam ang dapat gawin, kumunsulta sa psychic para magkaroon ng tamang gabay. Lucky numbers at color for the day ay 12, 28, 38, 39 at dollar green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Paghan­daan ang isang negosyo na maaaring maging dahilan ng pag-unlad. May dalaw kang kamag-anak o kaibigan na hindi inaasahan. Makakasagap ka ng magandang ideya mula sa iba na siyang magiging daan sa pag­dagdag ng pagkakakitaan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 22, 26, 39 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Layuan mo muna ang mga kaibigan na nag-iimpluwensya ng masama dahil tiyak mapapasama ka at magsisisi sa dara­ting na panahon. Ihanda ang damdamin sa isang masaya o malungkot na balita. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ilagak sa isang siguradong puhunan ang iyong pera dahil kung masisimulang gastusin, mauubos agad. Magi­ging positibo ang tugon ng kasosyo sa binabalak na negosyo. Babalik sa alaala ang malungkot na pangyayari na ayaw na sanang gunitain. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 37, 42 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Mapupu­nan mo ang iyong pangangailangang pinansyal. Maka­kalimot ka sa nakagawiang tungkulin sa minamahal na siyang magiging dahilan ng pagtatampo. Hindi mo makakamit ang inaasahang pag-aasikaso ng kasambahay. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 26, 37 at sapphire.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Selos ang mag­hahari sa iyong isipan. Magkakaroon ka ng paghihinala sa minamahal. Pag-aralang mabuti kung totoo ang kutob bago gumawa ng hakbang. Ebidensya ang kailangan para maging solido ang gagawing hakbang. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 23, 31 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Magtatampo ang minamahal kung hindi mo matutupad ang iyong pangako sa kanya. Alagaan ang kalusugan dahil isang klaseng sakit ang dadapo sa iyo kapag nagpabaya at hindi nag-ingat. Taglay mo ang kalakasan ng ESP na malaking tulong sa paggawa ng maselang pagdedesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 13, 25, 35, 42 at ocean blue.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Maliliwanagan ka hinggil sa isang hindi pagkakaunawaan. Kung init ng ulo at pride ang iyong paiiralin, tiyak ang magandang relasyon ay masisira. Ang mabuhay na may harmoniya ay lalong magiging masu­werte kaya ang magpatawad at humingi ng tawad ay landas ng pag-unlad. Lucky numbers at color for the day ay 4, 19, 33, 40 at scarlet.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Angkop lamang ang iyong kikitain sa pangangailangan, ngunit kung dadag­dagan ang pagsisikap at pagtitiyaga, magkakaroon ng sobra. Nakaamba ang isang hindi magandang mangyayari kaya ang lubos na pag-iingat ay kailangan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 9, 37 at aquamarine.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Huwag itago kung ano ang nararamdaman. Maging totoo sa kapwa lalo na sa sarili. Walang masama kung ipagtatapat ang gusto kung mabuti ang hangarin. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Iwasan ang mag-isip ng negatibong bagay dahil nakakasira ito ng magandang diskarte sa iyong gagawin ngayon. Walang kaibahan ang isip ng tao sa computer, na kung ano ang i-input ay siyang magiging output. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

KUNG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with