^

Kutob

Agosto 19, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Lahat ay malalampasan ko. Pinatunayan na ito ng Dios noon at magagawa Niya ito sa bawat sandaling ipagkatiwala ko sa Kanya ang lahat ng pinagdaraanan ko.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Magigipit ka sa araw na ito. Maaaring humingi ka ng tulong sa iyong kaibigan subalit pareho ang inyong kalagayan. Huwag kang ma­ngangamba dahil mayroong isang tao na handang tulungan ka. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 29, 30 at cream.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – May suwerte ang bagong negosyo. Umisip ng magandang diskarte upang tuluy-tuloy ang pagda­ting ng grasya. Ang ilang biruan sa bahay ay mauuwi sa seryosong usapan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 39 at pink.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Maraming tukso ang darating sa iyo kaya sikaping mapaglabanan ang mga ito. Ang asawang nasa malayo ay nahihirapan kaya suklian ng katapatan ang kanyang pagtitiis. Huwag sayangin ang inyong nasimulan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 41 at peach.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – May mga payo na ikakalito mo ngayon. Mainit ang ulo ng minamahal kaya sikaping intindihin siya para hindi ito mapunta sa away. Maglaan ng oras para sa pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 31, 44 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Perpektong araw para sa pag-ibig at romansa. Kung nakakaligtaan ng minamahal o naghahanap pa lang ng mamahalin, ito ang tamang oras para bigyan ng pansin ang usaping pampuso. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 29, 41 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag magmadaling gumawa ng desisyon. May sasabihin ka sa iyong kaibigan na ikakapikon niya. Ayusin agad ang anumang problema bago ito lumala. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 22, 30 at royal blue.

AQUARIUS ( Enero 20 - Peb­rero 18) – Walang dapat gawin sa araw na ito kung hindi ang magpakahinahon at humingi ng tawad sa mga taong nasaktan. Ang pagiging mainitin ng ulo ang magdudulot sa iyo ng problema. Habaan ang pasensiya. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 35 at red.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Maging mabait sa iyong sarili. Tumanggi sa mga gawaing hindi kakayanin ng kalusugan. Iwa­san din ang mga pagkaing magpapataas ng iyong dugo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 27, 39 at yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag kang pabigla-bigla sa pagsuong sa isang sitwasyon na mahihirapan ka nang makatakas at maaaring pagsisihan pa balang-araw. Magpatuloy sa pagsisikap. Ang mahalaga ay panatag ang iyong kaisipan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 26, 37 at navy blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Maging maingat at maasikaso sa iyong kalusugan para ma­ging malayo ka sa sakit. Sundin mo ang iyong kutob sa araw na ito dahil tiyak ito’y totoo. Lucky numbers at color for the day 2, 17, 36, 45 at green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Huwag basta maniwala sa mga tsismis, lalo na kung ito’y patungkol sa pag-ibig. Kailangan mong maging matatag sa mga pagsubok. May matatanggap kang magandang balita. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 29, 38 at peach.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Makipag-ugnayan sa mga kamag-anak na malayo dahil maaari ka nilang matulungan kung ano man ang iyong problema. Iwasan ang ano mang biruan dahil maaari mo itong ikapikon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 29, 38 at peach.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

IYONG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with