^

Kutob

Kutob - Oktubre 19, 2000

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -- Bawasan ang pagiging maiinitin ang ulo. May hindi pagkakasundo at tensyon ngayon sa lugar ng trabaho ngunit hindi ka dapat mabahala. Nasa matiwasay na katayuan ang iyong buhay-kalakal. Lucky numbers at color for the day ang 7-1-8-25 at emerald green.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- May isang kapatid na hihingi ng tulong sa iyo at hindi mo siya bibiguin. Ang mga kasamahan sa gawain ay may ilalapit na proposisyon sa iyo. Maligaya at makulay ang buhay-pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 7-5-8-27 at white.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Mapakinabang ang buong maghapon at makulay ang romansa. Walang sagabal na maisasagawa ang mga binabalak. Ang mga kaibigan ay mapagkakatiwalaan. Lucky numbers at color for the day ang 2-5-7-19 at wine red.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Higit na mahalaga sa araw na ito ang pagbabalak sa mga bagay na ibig isagawa na isang palatandaan sa pagharap sa isang magandang kinabukasan. Malulutas ngayon ang isang bagay na gumugulo sa iyong isipan. Lucky numbers at color for the day ang 3-9-0-27 at magenta.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- May bisitang darating sa inyong bahay ngayong hapon. May sorpresang tatanggapin sa araw na ito. Maging matalino sa pagkilala sa mga bagong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 5-9-7-19 at sky blue.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Pabor ang kalagayang pinansyal. Suriin ang mga taong makakatagpo at maaaring nagkakanlong ng itinatagong tunay na hangarin. Iwasan ang mga taong madudulas ang dila at mahilig sa usap-usapan. Lucky numbers at color for the day ang 5-9-8-1 at beige.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Paglabanan ang maging mapuna. Mabunga at mabiyaya ang mga gawain ngayon. Dadalo sa isang pagtitipon. Gawing parang paglilibang ang pag-aayos ng bahay. Lucky numbers at color for the day ang 6-1-8-37 at ruby red.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Mag-ukol ng dalangin sa Diyos. Maaaring makipagbiruan nguni't siguraduhing puro positibo ito. Ang iyong abilidad na magsimula ay hahangaan ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 8-1-0-23 at peach.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Magaan ang pasok ng pera ngayon. Marami kang mapapaginhawang kalooban. Ang mga sinaliksik na gawain ay totoong nakakapagod nguni't magiging kapaki-pakinabang. Lucky numbers at color for the day ang 7-0-5-25 at orange.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Huwag padadala sa daloy ng imahinasyon na pawang nalilihis sa makatotohanang pananaw. Kailangang iplano ang mga gawain upang maiwasan ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 8-7-9-39 at lemon green.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Ibahagi ang tuwa sa mga taong nangangailangan nito. Panahon na para ipaalam sa iba ang iyong hinahanap. Sa pananalapi, magiging magaan ang pasok nito. Lucky numbers at color for the day ang 3-9-5-39 at sky blue.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Ingatan ang kalusugan. Sumunod sa payo ng doktor at ng mga magulang. Ang malikhaing pag-iisip ay angkop sa pagsusulat. Karaniwan lamang ang takbo ng mga pangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 3-4-0-17 at scarlet.

vuukle comment

BAWASAN

COLOR

DADALO

DAY

HUL

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with