^

Kutob

Kutob - Oktubre 16, 2000

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -- May pagtingin din sa iyo ang iyong napupusuan. Ang labis na paggawa ay maaaring pumiga sa sigla ng katawan. Makakagawa ng mapakinabang na paglalakbay. May magandang balitang matatanggap mula sa kumpanyang inaaplayan. Lucky numbers at color for the day ang 9-2-7-37 at jade green.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- Ang maibibigay na pagsisikap ay makakatanggap ng pabuya. Maraming matututunan sa pakikipag-usap sa isang pribadong pakikipanayam. Wala sa salapi ang kaligayahan ng isang tao. Lucky numbers at color for the day ang 6-2-5-40 at white.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Mahalaga ang araw na ito na maiuukol sa pag-ibig. Ang pagpapahalaga ng iyong mahal sa buhay ay lalong magpapatibay ng inyong relasyon. Madaling mapapakitunguhan ang mga tao sa paligid. Lucky numbers at color for the day ang 7-6-1 at pink.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Madaling maisasaayos ang mga suliranin ngayon. Maaasahan ang kooperasyon ng mga kasambahay. Panatilihin ang hinahon nang makapag-isip nang mabuti. Isang panauhin ang maaaring dumating sa iyong tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 4-0-6-26 at pink.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- May ligayang dulot ang pag-ibig. Ang mga sandaling ito ay magiging kanais-nais at makulay. Panatilihing bukas ang komunikasyon sa inyong dalawa. Lucky numbers at color for the day ang 6-7-0-40 at yellow.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Pabagu-bago ang kalagayan ng mga pangyayari sa araw na ito. Maging mahinahon sa anumang iniisip o ginagawa nang ikaw ay makaiwas sa anumang hilahil. Iwasan ang mangutang o magpautang. Lucky numbers at color for the day ang 6-9-5-29 at pink.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Kung maghahanap ng trabaho, ito ang araw para sa iyo. Ang romansa sa huling araw ay magiging makulay at masaya sa pamamagitan ng pag-uunawaan at ang relasyon ay lalong mapagtitibay. Lucky numbers at color for the day ang 4-2-7-34 at jade green.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Maaaring makatagpo ng taong hindi marunong tumupad sa usapan. Ang anumang transaksyon ay dapat na suriing mabuti. Ang pagmamadali ay magdudulot ng maraming pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 3-9-1-23 at green.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Ang pakikisalamuha sa ibang tao ay magiging mapakinabang. Paborable ang araw sa pakikipag-ugnayan sa mga maimpluwensyang tao. Iwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 7-9-3-33 at cream.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- May mga guguling pantahanan na maaaring harapin ngayon. Ang pagmamadali ay madaling makakalimot sa katatagan ng iyong memorya. Angkin ngayon ang pambihirang kaisipang magdudulot ng inspirasyon sa iba. Lucky numbers at color for the day ang 9-6-1-19 at lemon green.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Mag-ingat sa pagpapahayag ng iyong tunay na niloloob. Kung hindi tiyak ang sasabihin ay huwag kang magpadalus-dalos. Ipaghintay ng magandang pagkakataon ang namumuong pag-ibig. Ipagpaliban ang paggawa ng mga lihim na kasunduan. Lucky numbers at color for the day ang 0-8-9-39 at cherry red.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Ang romansa ay magiging pangunahin sa ibang nasa signong ito. Ang kalusugan ng iyong minamahal ay hindi mo dapat pabayaan. Mabiyaya ang araw. Mabuting pagkakataon para makipagsulatan sa kaibigan o kaanak na nasa malayo. Lucky numbers at color for the day ang 3-9-0-30 at dollar green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

IWASAN

LUCKY

MADALING

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with