^

Kutob

Kutob - Oktubre 12

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -- Huwag pabayaan ang ilang aktibidad na hindi agad-agad mapapakinabangan subalit maaaring maging mahalaga sa hinaharap. Hindi kanais-nais ang paglalakbay dahil may pagkamaramdamin ang taong makakatagpo. Lucky numbers at color for the day ang 37-8-7-5 at lavander.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- Malilibang sa araw na ito at mapapanatag ang iyong kalooban. Dadalo sa isang pagtitipon sa gabi. May magandang karanasan sa mga bagong kakilala na makakatagpo. Lucky numbers at color for the day ang 3-7-0-28 at flame red.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Maaaring makaramdam ng panghihinayang o pagkapagod sa pagiging sumbungan ng problema ng mga nakapaligid sa iyo ngayon ngunit dito ka nila maaasahan kaya ipagpatuloy ito. Lucky numbers at color for the day ang 7-9-0-25 at dollar green.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Ang pagmamalasakit ng minamahal ay iyong pahahalagahan na siyang magiging daan sa lalong paglalapit ng mga damdaming umiibig sa isa’t isa. Lucky numbers at color for the day ang 7-1-5-19 at ruby red.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Magiging mabunga at mabiyaya ang araw na ito. Ang lahat ng iyong mga pagsisikap ay hindi masasayang. Nasa kasiglahan ang iyong isipan sa gawaing espirituwal na makatutulong nang malaki sa iyong pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 6-7-5-37 at beige.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Kailangan ng minamahal ang mapamaraang pakikibagay. Sa pagsisikap mapaghihilom ang sugat ng nakaraan. Mag-ingat sa mga taong walang magawang mabuti. Ingatan ang iyong paggugol. Lucky numbers at color for the day ang 9-6-0-29 at violet.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Taglayin ang ibayong pag-iingat sa araw na ito. Huwag padalus-dalos sa pagkilos at pananalita. Panatilihin ang malakas na kamalayan sa anumang ginagawa. Lucky numbers at color for the day ang 3-7-9-39 at fuschia.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Mayaman at malikhain ang iyong kaisipan na magagamit sa mga gawaing makasining. Maitatangi ngayon ang pagtulong ng isang malapit na kamag-anak. Maaasahan ang mga kaibigan kung mangangailangan ng tulong. Lucky numbers at color for the day ang 0-7-3-28 at jade green.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Ang personal na gawain ay lubhang mahalaga sa ngayon na makapagbibigay ng karagdagang kita. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikaping makaunawa at magparaya. Lucky numbers at color for the day ang 0-1-3-33 at fuschia.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Makakalikha ng isang bagay na mali ngunit hindi sinasadya. Huwag ipangako ang isang bagay na hindi ka nakakatiyak na iyong maisasagawa. Lucky numbers at color for the day ang 2-3-8-23 at golden yellow.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Magiging mahalaga ang pakikinig ng payo sa nakatatanda at maging masunurin sa kanilang mga pangaral. Kung iyong nanaisin, may maganda at kasiya-siyang pag-uusap. Lucky numbers at color for the day ang 1-7-3-33 at red.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Ang nakalipas na hilahil ay mapapawi na. Ang bugso ng kaligayahan ay mababakas sa iyong mukha. Maligaya ang panahong maiuukol sa loob ng sariling tahanan sa piling ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 7-0-3-22 at blue.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IYONG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with