^

Kutob

Kutob - Oktubre 11, 2000

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) – Makakapiling mo sa araw na ito ang pinakaiibig. Ang araw ay tigib ng mga bagong sandali ng pag-ibig. Papasok ang magandang kapalaran anumang oras sa araw na ito. May dalang suwerte na dapat mong ipagpasalamat sa Diyos. Lucky numbers at color for the day ang 9-0-6-37 at scarlet.

SCORPIO
(Okt. 24 - Nob. 22) – Mabuti ang relasyong pantahanan. Masaya ang pakikipagtulungan sa kanila. Ang mga gugulin ay dapat na mailagay sa ayos. Lucky numbers at color for the day ang 0-1-9-19 at tiger orange.

SAGITTARIUS
(Nob. 23 - Dis. 21) – Magtataglay ka ng malawak na kaisipan na makakatulong sa iyong mga personal na gawain sa araw na ito. Walang gaanong kaabalahan sa gawain at sa darating. May makulay at masayang romansa. Lucky numbers at color for the day ang 9-1-8-19 at dollar green.

CAPRICORN
(Dis. 22 - Ene. 19) – Ang mahal sa buhay ay madaling pakibagayan at magiliw. Iwasan mo ang makipagtalo sa mga kasama mo sa bahay. Maging mapagkumbaba dahil higit na ipinagpala ng Diyos ang mga taong nagtataglay ng ganong ugali. Lucky numbers at color for the day ang 9-3-5-35 at sapphire blue.

AQUARIUS
(Ene. 20 - Peb. 18) – Mapalad ka sa pag-ibig at buhay. Ang matibay na pananalig sa Diyos ang mabisa mong sandata upang ang buhay ay gumanda. Ilan sa iyong mga kaibigan ang lihim na naiinggit sa iyo. Pag-ingatan ang mga huwad na pakita at huwag matutukso sa pakikinig sa tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 2-4-1-29 at red.

PISCES
(Peb. 19 - Mar. 20) – Ang pakikitungo ng isang kaibigan ay iyong maiibigan. May lalapit sa iyo upang humingi ng payo. Mag-ingat ka sa pagbibigay ng payo. Ang matandang kamag-anak ay naghihintay na matulungan. Bigyan ng pagkakataon na maisaayos ang mga problemang pantahanan. Lucky numbers at color for the day ang 3-5-0-27 at pearl pink.

ARIES
(Mar. 21 - Abr. 19) – Mabunga ang araw at mabiyaya. May mga pagkakataon na ang pakikipagtulungan sa minamahal ay pakikinabangan. Mga pambahay na gawain ang dapat asikasuhin. Lucky numbers at color for the day ang 9-7-2-28 at aquamarine.

TAURUS
(Abr. 20 - May 20) – Ang mga gawaing nangangailangan ng konsentrasyon ay maisasagawa mo nang maayos at maganda. Mahalagang maipanatag ang isip upang maayos na maisakatuparan ang iyong mga gawain. Lucky numbers at color for the day ang 2-6-8-25 at turquoise.

GEMINI
(May 21 - Hun. 21) – Mag-ingat ka sa paggamit ng mga kasangkapan. Mag-ingat ka din sa pagdadala ng mga mabibigat na bagay. Nararapat lamang na magpamalas ka ng kababaang-loob sa isang nakatatandang kasambahay. Lucky numbers at color for the day ang 6-4-5-35 at emerald green.

CANCER
(Hun. 22 - Hul. 22) – Masyado kang sensitibo ngayon. Hindi magkakailang malaman kung alin ang damdamin mo sa ibang tao. Magpahinga panandali at manalangin upang humingi ng tamang gabay ukol sa dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ang 4-9-8-23 at pink.

LEO
(Hul. 23 - Ago. 22) – Makulay ang araw at maligaya ang romansa. May ngiti ng mabuting kapalaran ang negosyo. Mahalaga sa ngayon ang personal na gawain na makapagbibigay ng karagdagang kikitain. Huwag kang makakalimot na tumawag sa Diyos lalo na sa pagkakataong ito. Lucky numbers at color for the day ang 9-6-9-38 at aquamarine.

VIRGO
( (Ago. 23 - Set. 23) – Maganda ang pagsasamahan sa loob ng tahanan ng magkakasambahay. Maunawain at lubhang malambing ang pinakamamahal sa buhay. Ang mga kamag-anak ay makapagbibigay ng aliw sa puso ng mga magulang. Ang araw ay maitatangi sa piling ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 9-8-1-17 at ivory white.

vuukle comment

ARAW

COLOR

DAY

DIYOS

HUL

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with