Duterte mangunguna sa PTV 4 inauguration – Andanar
BAGUIO CITY - Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng bagong gusali ng PTV 4 sa Lualhati compound ng lungsod na ito mamayang hapon, ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar.
Sinabi ni Sec. Andanar, ang state of the art na gusali ng PTV 4 na nasa loob ng compound ng Philippine Information Agency (PIA)-CAR ay lalong magpapalinaw at magpapalakas sa signal ng state-run government tv station sa Cordillera region at kalapit na mga rehiyon sa Northern Luzon.
Nagpasalamat naman si PTV 4 general manager Dino Apolonio sa todong suporta na ibinuhos nina Pangulong Duterte at Sec. Andanar upang mapaganda at mapalakas ang government tv station.
Wika pa ni Andanar, plano niyang matulad sa British Broadcasting Corporation o ABC ng Australia ang PTV 4 hindi lamang sa pagbibigay ng malinaw na tv signal kundi maging sa training ng mga personnel nito.
Aniya, sinimulan na rin ng Presidential Communications Office (PCO) ang integrated system sa mga government media outfits tulad ng PTV 4, Radyo ng Bayan, Philippine News Agency at Philippine Information Agency upang lalong mapaganda ang paghahatid ng impormasyon sa publiko.
- Latest