^

Pang Movies

Sundalong dating rebelled gagampanan ni Zaijian sa MMK

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tunghayan ang kwento ng anak ng isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nang lumaki ay piniling manilbihan sa bayan bilang bahagi ng Philippine Army ngayong Sabado sa MMK.

Bata pa lang si Joseph (Zaijian Jaranilla) ay namulat na ito sa karahasan dala ng buhay na pinasok ng kanyang rebeldeng ama na si Johnny (Joem Bascon) at ina na si Aida (Antoinette Taus). Sa kabila nito ay pinalaki siya ng ama ng may paninindigan at handang lumaban para protektahan ang mga inaabuso sa makapangyarihan.

Hindi lingid kay Johnny na mapanganib ang buhay na dala niya sa kanyang pamilya kaya naman madalas sumagi sa isip niya kung iiwan na ba niya ang mga kasamang NPA para magsimula uli.

Lilipas ang panahon at magbabago ang pagtingin ni Johnny sa mga sundalo bilang mga awtoridad na tagapagtangol ng mga sibilyan.

Ito na ba ang hudyat ng pagbabagong buhay ni Johnny at ng kanyang pamilya? Makukuha na ba nila ang inaasam ang matiwasay na pamumuhay? Paano mapupunta sa pagsusundalo ang batang kinamulatan sila bilang mga kaaway?

Kasama rin sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado sina Marco Masa, John Manalo, Daria Ramirez, Levi Ignacio, Hyubs Azarcon, Kris Martinez, Roy Requejo, at Tart Carlos. Ito ay sa ilalalim ng direksyon ni Garry Fernando at panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos. Ang MMK ay pinamumunuan ng Star Creatives COO nito na si Malou Santos.

Superstar Duets bibisitahin ng mga sikat na yumaong Singers!

Simula na ng round 3 ng kompetisyon sa Superstar Duets ngayong Sabado. At hindi lang sa ibayong dagat manggagaling ang international superstars na makaka-duet ng celebrity contestants, dahil aabot sa kabilang buhay ang panawagan nilang makasama sa kantahan ang mga idol nila.

Kilalanin ang UPM o Unyon ng Patay na mga Mang-aawit at kung sinu-sino sa mga sikat na recording singers na namayapa na ang ipapadala nila para tulungan sina Joross Gamboa, Nar Cabico, Divine Grace, Osang, Rita Daniela, at Jerald Napoles.

Isang iconic English jazz superstar, isang best-selling American diva at ang King of Pop pa mismo, ang unang sasalang sa kantahan this week.

Kaninong performances naman kaya ang papasa sa pandinig ng super judges?

Alamin lahat yan ngayong Sabado sa Superstar Duets pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA-7.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with