^

Bansa

Alvarez pinadedeklarang iligal ang JVA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Alvarez pinadedeklarang iligal ang JVA
Personal na kinausap ni Pangulong Duterte ang mga magsasaka mula sa Tagum city, Davao del Norte na nagkampo sa Mendiola, Maynila para tiyakin sa mga ito na tutugunan ng gobyerno ang kanilang hinaing hinggil sa inagaw na lupain sa kanila. Inutos din ng Pangulo kay special assistant to the President Sec. Bong Go na bigyan ng pagkain ang mga ralista at siguruhin ang kanilang eroplano pauwi ng Davao.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines - Inamin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre III na hiniling ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Department of Justice (DOJ) na ideklarang illegal ang Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan ng  Bureau of Corrections (BuCor) at Davao-based Tagum Agricultural Development Company Inc. (Tadeco).

Subalit hindi umano ito napagbigyan ng kalihim dahil wala siyang kapangyarihan para mag-isyu ng nasabing deklarasyon.

Ginawa ni Aguirre ang pag-amin kahit nilinaw ni Tadeco president and CEO Alex Valoria na ang JVA ay balido at legal, malaking kapakinabangan sa gobyerno at sa may 30,000 direct at indirect workers sa banana industry at iba pang related sectors.

Ipinaliwanag ni Valoria sa mga mambabatas sa ginawang pagdinig ng House Committee on Good government and Public Accountability at Justice Committee ang constitutionality at legality ng JVA ng  Bucor-Tadeco. 

Nagsumite din siya ng position paper ng Tadeco para sa dalawang komite para sagutin isa-isa ang umano’y mga maling alegasyon laban sa kumpanya.

Iginiit naman ni Aguirre na tanging ang presidente lamang ang maaa­ring magkansela ng JVA sa pagitan ng Bucor at Tadeco.

“Actually in the letter which we received from Speaker Alvarez they are asking us to declare more or less the contract as illegal. I believe that we could not do it. The DOJ, the Secretary of Justice cannot do it,” ayon sa kalihim.

Kinilala naman ni Aguirre na libo-libong manggagawa ng Tadeco at kanilang mga pamilya ang nakikinabang sa naturang kumpanya gayundin ang pagbabayad ng milyon-milyong pisong buwis sa gobyerno.

vuukle comment

VITALIANO AGUIRRE III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with