^

Para Malibang

Napoles mauunahan pa sina Bong at Jinggoy?!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Isang gabi ay nakasakay kami sa isang provincial bus going home to Sta. Rosa City, Laguna. Maingay ang isang old woman na kausap ang isa ring senior citizen.

Si Sen. Leila De Lima ang topic ng kanilang usapan, samu’t-sari, may maganda at hindi maganda sa mga sinasabi nila.

Ako naman ay sawa na sa news about Madam De Lima kaya parang hinila ako ng antok. Pero bigla akong nagising dahil narinig ko ang pangalan ng dalawang senador na love namin.

Sabi ng maingay at malakas ang boses: “Malapit na lumabas ang mga iyan, ‘di na sila magtatagal sa loob, dahil may kapalit na.” (Si Sen. De Lima ang tinutukoy na kapalit daw.)

Mga biktima ng pulitika at syempre panahon ni P-Noy na hindi nila ka alyado, natural natuwa kami sa kwentuhan ng dalawang manang. Parang psychic ‘yung manang na may malakas na boses.

Ke totoo o hindi ‘yung sinasabi nilang malapit na ang paglaya nina Sen. Bong Revilla at Sen. Jing­goy Estrada, pinagdarasal namin na sana nga ay makalaya na sila.

Tama na! Almost three years na! Nakakalungkot isipin na baka maunahan pa silang makalaya ni Napoles!

St. Michael D’ Arcangel, we prayed! Amen.

Richard maganda ang aura!

Nakita namin ang actor-politician at ngayon ay Mayor of Ormoc City na si Richard Gomez. Talagang dedicated siya sa bagong role na ginagampanan niya na non-cinematic, bagkus trabahong makatotohanan, nagsisilbi sa buong mamamayan ng Ormoc City na naghalal sa kanya bilang tagapag-alaga sa kanila sa hirap man o ginhawa, umulan man o umaraw ay hindi niya iiwanan.

Nagulat nga kami dahil siya pa rin ang dating Richard Gomez na artista, makisig, healthy at ang saya-saya ng mukha.

Ibig sabihin lamang nito ay mahal niya ang kanyang bagong papel na ginagampanan, ang paglingkuran ang kanyang mga kababayan.

Magka-vibes sila ng kanyang Congresswoman wifey na si Lucy Torres-Gomez pagdating sa kapakanan ng mga kababayan nila. Good luck!

Janine nakakaarte

Nakakailang episode pa lang ang GMA 7 series na Legally Blind kung saan gumaganap na bulag na abogado si Janine Gutierrez ay nagbubunyi agad ang buong pro­d­uction staff, lalo na ang kanilang director na si Ricky Davao.

Mataas ang rating ng nasabing programa at puring-puri rin nila ang acting ni Janine. Magaling siyang mag-anyong bulag na kitang-kita sa mga mata niya.

At pagdating sa galing ng acting, sisihin mo sina Nora Aunor at Pilita Corrales na mga lola niya maging sina Christopher De Leon at Eddie Gutierrez na mga lolo niya, isama mo pa ang ama at ina niya na sina Ramon Gutierrez at Lotlot de Leon. Saan ka pa!

Fans masyadong mapagpaniwala

Kasabu-sabunot daw si Ryza Cenon sa role niya na Ika-6 Na Utos na TV series sa GMA 7. Gigil to death ang fans ni Sunshine Dizon na asawa ni Gabby Concepcion sa story.

Ewan ba naman, bakit grabe ang fans sa mga panoorin sa telebisyon. Ayaw nilang naaapi ang mga idolo nila. Kesehodang TV shows lang ang napapanood nila. 

MABUHAY KA…

Salamat sa magandang pag-alalay ni Junsay Champatamta ng south-bound security agency at Sky Sta. Rosa, sa magandang assistance na ginampanan niya sa mga taong stranded sa nakaraang Tigil-Pasada kamakailan.

Nakita namin na maliksi siyang umalalay sa mga taong hinihingal na sa paglalakad dahil walang masakyan. Mabuhay po kayo sir!

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with