^

Probinsiya

Vice mayor, bodyguard nirapido, patay

UNDER YOUR SKIN - Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
Vice mayor, bodyguard nirapido, patay
Base sa police report, nag-uusap ang mga biktima nang pumasok ang gunman saka nagsimulang mamaril gamit ang cal. 5.56 rifle bandang alas-8:45 ng umaga.
File photo

NORTH COTABATO, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 46-anyos na vice mayor at tiyuhin na tumatayong bodyguard nito makaraang ratratin ng hindi kilalang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Madia sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao kahapon ng umaga.

Naisugod pa sa bahay-pagamutan subalit idinekla-rang patay sina Datu Saudi Ampatuan Vice Mayor Anwar A. Sindatok at Sela Menamdang, 58, mga nakatira sa nasabing barangay.

Base sa police report, nag-uusap ang mga biktima nang pumasok ang gunman saka nagsimulang mamaril gamit ang cal. 5.56 rifle bandang alas-8:45 ng umaga.

Kaagad namang tumakas ang gunman lulan ng motorsiklo.

Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong rido o clan war ang isa sa motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

BODYGUARD NIRAPIDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with