^

Punto Mo

Krema (181)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAPAG-UTUSAN lang po kami!” sabi ng isa sa riding-in-tandem. “Si Mama Dang po ang utak. Basta itumba lang daw namin ang babaing ikakasal. Hindi nga po namin alam ang pangalan ng aming itutumba. Basta siguruhin lang daw po namin na patay agad ang babaing ikakasal.’’

Napatingin si Krema kay Colonel Valdez.

“O hayan, Colonel nagsalita na ang mga ito kahit wala silang abogado. Baka pagbintangan kayo na pinahirapan ang dalawang ito kaya kumanta.’’
“Ah hindi mangyayari yun. Kanina pa naka-video ang lahat. Tumatakbo pa lang tayo ay may nakatutok nang kamera kaya malinaw na malinaw ang operasyon. Walang kasabit-sabit.’’

“Mahusay po ang pagkakaplano, Colonel.’’

“Ang tagumpay ng operasyon na ito o project ay dahil na rin sa pakikipagtulungan n’yong dalawa. Kung hindi dahil sa inyo, hindi mahuhuli ang dalawang ito.’’

“Ano pong mangyayari sa drug queen na si Dang?”’

“A mabubulok na siya sa bilangguan. Baka doon na siya mamatay.’’

“Salamat naman. Palagay ko po, wala na talagang problema.’’

“Oo. At maaari na ninyong ituloy ang naudlot na pagpapakasal.’’

“Salamat po Colonel. Siyanga po pala, imbitado ka po. Huwag ka pong mawawala sa araw na iyon. Ipadadala po namin ang imbitasyon.’’

“A Salamat. Sige, dadalo ako.’’

Maya-maya pa, dinala na ng mga pulis ang nadakip na riding-in-tandem.

Nakahinga nang maluwag sina Lex at Krema.

Sana nga ay tapos na ang kanilang problema. Matutuloy na rin ang inaasam nilang pagpapakasal.

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with