^

Punto Mo

Abu Sayyaf, dapat nang wakasan

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

PANAHON na upang ibuhos ng gobyerno ang puwersa para ubusin ang Abu Sayyaf.

Mula sa Mindanao ay nakatawid na sa Central Visayas ang Sayyaf partikular sa Bohol na paboritong puntahan ng mga lokal at dayuhang turista.

Hindi malayong mangyari na makarating din sa iba pang lugar sa bansa ang Sayyaf na mas lalong maging pinsala sa imahe ng Pilipinas na makaaapekto sa turismo sa bansa.

Sa pinakahuling balita ay muli na namang namugot ng ulo ang Sayyaf. Isang sundalong bihag ang kanilang pinugutan na nagpapatunay na halang ang sikmura ng mga ito.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagtugis ng militar at pulisya sa Sayyaf sa Bohol. Pero hindi ito sapat upang mapanatag ang kalooban ng mga dayuhang bansa para bawiin ang paglalabas ng travel advisory sa kanilang mamamayan.

Sa mga nailabas ng travel advisory ng mga dayuhang bansa ay malaki ang epekto nito sa turismo.

Kaya naman kahit ang mga senador ay nananawagan na kay President Duterte na magsagawa na ng all out war laban sa Sayyaf.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, na dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na bumuo ng isang composite tactical force na magmumula sa AFP, PNP at NBI upang tumutok sa paglipol sa Sayyaf.

Ayon kay Lacson, may sapat na kasanayan ang militar, pulisya at NBI upang sugpuin ang Sayyaf na matagal ng nagbibigay ng sakit ng ulo sa gobyerno na nakakasira sa imahe ng Pilipinas.

Hindi dapat gamitan ng normal na operasyon ang Sayyaf sa halip, gawing espesyal para mawakasan na ang mga bandido.

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with