^

Metro

Matapos ang Baclaran, Divisoria, iba pa isusunod ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Matapos ang Baclaran, Divisoria, iba pa isusunod ng MMDA
Kaugnay ng ‘clearing operation’ sa Baclaran area, si MMDA Chairman Thomas Orbos, kasama ang mga tauhan ng MMDA, ay nakikipag-dayalago kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez (nasa gitna) tungkol sa istratehiyang isasagawa para sa relokasyon ng mga illegal vendors.

MANILA, Philippines -  Matapos ang Baclaran, isusunod ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Divisoria at iba pang problemadong lugar sa buong puwersang clea-ring operations kontra illegal vendors, illegal terminals at illegal parking.

Sinabi ni MMDA General Manager Tim Orbos na dahil sa pagiging matagumpay umano ng ginawa nilang paglilinis sa Baclaran, gagawin nila itong “template” o batayan ng ikakasa nilang mga operasyon sa ibang lugar sa Kamaynilaan sa pangunguna ng Divisoria na sa matagal na panahon ay patuloy pa rin ang mga problema sa kabila ng napakaraming operasyon na isinagawa doon.

Bukod sa Divisoria, kasama rin sa plano ng MMDA ang clearing operations sa Balintawak, Cubao, Quiapo, Guadalupe, Pasay Taft at iba pa.

Sa kabila nito, inamin ni Orbos na hindi pa umano tapos ang kanilang trabaho sa Baclaran na kasalukuyan nilang binabantayan ng 24/7 oras upang matiyak na hindi magbabalikan ang mga vendors sa bahagi ng Redemptorist at Roxas Blvd. Service Road na kanilang nilinis.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with