^

Probinsiya

Ama ng beauty queen, nag-suicide?– crime lab

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines - Lumalabas sa forensic at ballistic examination na malaki ang posibilidad na nagpakamatay nga ang ama ni 2015 Miss World Philippines Hillarie Danielle Parungao base sa ulat ng Police Crime Laboratory sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya kamakalawa. ?

Ayon kay P/Chief Insp. James Bag-ey, hepe ng Nueva Vizcaya Crime Lab, lumabas sa bumbunan ni Edmundo Parungao, 46, ang balang ipinutok nito sa bibig bago ito tumama sa bubungan ng presinto ng Solano Police Station.?

Inihayag ng Crime Laboratory ang kanilang findings matapos magpahayag ang beauty queen na hindi siya naniniwalang nagpakamatay ang sariling ama.?

Base sa tala ng pulisya, nasakote ang nakatatandang Parungao sa buy- bust operation ng pulisya sa Barangay Osmeña, bayan ng Solano noong Abril 18 at sa presinto ito nang-agaw ng baril mula sa escort na si PO2 Mark Baccay saka ipinutok sa kanyang bibig.?

Ayon kay Bag-ey,  nega­tibo sa powder burn si Parungao dahil hindi lahat sa unang pagkakataon ay nag-iiwan ng powder burn ang nagpapaputok sa unang beses pa lamang. 

Ito ay lalo na kung pataas ang pagputok at bago pa lamang ang baril dagdag ni Bag-ey.?

Maging si Baccay ay negatibo rin sa paraffin test ng crime laboratory. ?

Hindi naman isinasaisantabi ni Bag-ey na may iba pang taong bumaril kay Parungao maliban sa sarili niya o kaya si P02 Baccay.?

Samantala, sinabi ni P/Chief Insp. Billy Mangali, hepe ng Solano Police Station na maraming nakasaksi sa pagpapakamatay ni Parungao sa kanyang tanggapan dakong alas-2:30 ng hapon.?

Ayon kay Mangali, mismong pinsan ni Parungao na unang naaresto sa kasong droga ang nagkanulo sa kanya bilang supplier kaya isinagawa ng pulisya ang buy-bust operation.?

Sinabi ni Mangali na bumagsak ang negosyo ni Parungao dahil sa pagkakalulong sa shabu hanggang umabot ito sa pagtutulak na lamang.?

Ayon pa kay Mangali, isa si Parungao na sumawsaw sa kanilang Oplan Tokhang noong 2016.

vuukle comment

BALLISTIC EXAMINATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with