^

Bansa

Dagdag na tropa ipapadala sa WPS

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karagdagang tropa ang ipapadala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (South China Sea) habang aayusin rin ang mga istraktura at pasilidad sa lugar.

Ito ang inihayag kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Duterte sa mga sundalo na okupahan ang lahat ng mga isla sa Kalayaan Island Groups (KIG).

Nilinaw naman ni Año na okupado na ang lahat ng siyam na isla na bumubuo sa KIG sa West Phl Sea na inookupa ng Pilipinas.

Ang iba pang mga isla sa WPS ay inookupa naman ng China, Vietnam at iba pang kaagaw na bansa. 

Nilinaw naman ng AFP chief na lalagyan nila ng mga bantay maging ang mga nakalubog na bato o lupa na nasasaklaw ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa. 

Kabilang sa isasaayos sa West Philippine Sea ang mga barracks ng mga sundalo, water at sewage disposal system, generators, light houses at maging ang mga mapagkakanlungan ng mga mangingisda.

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with