^

Probinsiya

Sundalo dinedo habang naliligo

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines - Hindi na nakadalo sa graduation ng kanyang anak ang isang sundalo ma­tapos itong pagbabarilin at mapatay ng hindi kilalang salarin ha­bang naliligo sa Barangay Tuka­na­lipao, bayan ng Mamasapano, Maguindanao, kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Insp. Razul Pandulo ang biktima na si Cor­poral Tamano Macadatar ng Engineering Battalion ng Army’s 52nd Engineering Brigade.

Sa inisyal na pagsisiyasat, naliligo ang biktima malapit lang sa kanilang kampo nang lapitan at ratratin.  

Ayon kay Pandulo, nag-a­yos na si Macadatar dahil dadalo sa graduation ng kanyang anak sa bayan ng Barira nang makasalubong si kamatayan.  

Nabatid na isa si Macadatar sa mga sundalong tumulong sa pagtatayo ng mga learning center para sa mga residente ng Barangay Tukanalipao. 

Pinaniniwalaang miyembro ng teroristang Bangsamoro Isla­mic Freedom Fighters (BIFF) ang gunman.

 

vuukle comment

RAZUL PANDULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with