^

PSN Palaro

Guarte nagtakbo ng ginto laban sa mga foreign bets

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinataob ni Mervin Guarte ang kanyang mga banyagang karibal upang masiguro ang gintong medalya sa men’s 1,500-meter run kahapon sa 2017 Ayala Philippine National Open na pormal nang nagtapos sa Ilagan City Sports Complex sa Isabela.

Nagtala ang Southeast Asian Games silver medalist na si Guarte ng tatlong minuto at 54.53 segundo para ungusan sina Malaysian Ahmad Luth Hamizan na nagkasya sa pilak tangan ang 3:56.59 at Sabah bet Jomond Papau na kumana ng 4:05.62 para sa tanso.

“Alam kong hindi magiging madali na makuha ‘yung gold dahil may mga foreign players na kasali kaya tala­gang pinaghandaan ko ito,” wika ni Guarte, nagmamay-ari ng national record sa kanyang oras na 3:47.65.

Napasakamay naman ni Ryan Bigyan ang ginto sa men’s 400m sa bendisyon ng impresibong 48.39 se­gundo habang nagningning ang De La Salle University standout na si Michael del Prado makaraang sikwatin nito ang pilak sa pamamagitan ng 48.47 segundo.

Naungusan ni Del Prado si national mainstay Ed­gardo Alejan Jr. na nagkasya sa tansong medalya bun­sod ng nakuha nitong oras na 48.60.

Pinuri ni national team coach Jojo Posadas si Del Pra­do na posibleng aniyang maging bahagi ng pambansang koponan sa taong ito.

“Maganda ang performance niya. Tinalo niya ‘yung ibang members ng national team. Sana mapasama siya sa national team this year,” ani Posadas.

Ang iba pang gold medalists ay sina Marjun Sulleza (boys’ 400m hurdles, 55.39) at  Michelle Palmares (girls’ 400m hurdles, 1:05.97), habang nagkasya sa tanso si Janry Ubas sa men’s high jump hawak ang 2.01m sa likod ni gold medalist Manjula Kumara Wijesekara ng Sri Lanka (2.13m) at Pinoy jumper Manuel Lasangue, Jr. (2.01m).

vuukle comment

GUARTE NAGTAKBO NG GINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with