^

Pang Movies

Danica wish magkaroon ng kapatid kina Vic at Pauleen

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Gusto na ni Danica Sotto na magka-baby ang dad niyang si Vic Sotto at misis nitong si Pauleen Luna dahil siyempre, hindi naman na bata ang kanyang ama at mas maganda talaga kung mabibiyaan man lang sila ng kahit isang anak.

“Sana. Kasi para rin more time na ma-enjoy nila ‘yung baby nila. Kasi si Pauleen, siyempre bata pa siya. Pero si daddy, para rin mas makasama pa niya,” say ni Danica nang makausap namin sa relaunching ng Cignal TV’s lifestyle channel, Colours, held last Wednesday night.

Kumusta na sila ni Pauleen ngayon?

“Nun’g una, siyempre nandu’n ‘yung ‘uy, ano ba ‘to? Paano ba ‘to?’ Ang daming apprehension kasi siyempre, hindi naman siya ‘yung normal na ano, di ba?

“Pero alam mo, ang galing din talaga ni God kasi, ‘yung pagka-close namin ni Pauleen ngayon, hindi namin pinilit. Nangyari lang siya nang natural, nakisama siya nang maayos.

“Kasi siyempre, du’n ko rin nakita kung paano niya alagaan, ganun din si Daddy. Mapapansin mo rin naman si Daddy, mas magaan,” say ni Danica.

Sobrang naka-adjust na nga raw sila sa sitwasyon ngayon.

“Although, ‘yung iba, medyo naiilang. Siguro, pag nakitang nagpo-pose kami, parang ‘ano ba ‘yan, para lang kamin magbarkada’ pero sa amin mismo, ha, wala na. Wala na talaga kaming ilangan. Honestly speaking, masasabi ko na talagang diretso na wala na,” say ng panganay na anak nina Bossing Vic at Dina Bonnevie.

May bagong show si Danica sa Colours, ang Mombiz kung saan ay sila ni LJ Moreno-Alapag ang host produced by the Content Cows Company.

Pelikula nina Daniel at Kathryn sa Sabado de Gloria ipalalabas

Fresh from the success of Kung Fu Yoga, Star Cinema is relea­sing another Hollywood film, ang The Last Word starring Academy Award winner Shirley MacLaine and Amanda Seyfried na nagsimula nang ipalabas nationwide last Wednesday, March 22.

Pagkatapos ng The Last Word, ipalalabas na ng Star Cinema ang inaabangang KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla) film na Can’t Help Falling In Love mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar. Sa Black Saturday, April 15 naman ang showing nito at ngayon pa lang ay hinuhulaan nang magiging blockbuster ito dahil una, this is a KathNiel film at pangalawa, maswerte ang playdate na ito sa Star Cinema dahil lahat ng pelikulang ipinalabas nila sa Sabado de Gloria ay tumatabo talaga sa takilya.

Pagkatapos ng pelikula, isusunod na raw ng KathNiel na mag-taping ng teleserye nilang La Luna Sangre.

Coco pasado sa Kagandahang Asal!

Isa na namang award ang nadagdag sa koleksyon ni Coco Martin dahil siya ang itinanghal na Pinakapasadong Simbolo ng Kagandahang Asal para sa FPJ’s Ang Probinsyano sa katatapos lamang na Gawad Pasado 2017 awards.

Sa ngayon ay hindi na namin mabilang kung ilang awards na ang natanggap ng teleserye ni Coco, making it the most awarded TV series of all time. Kung hindi kami nagkakamali, umaabot na sa mahigit 40 ang parangal na natanggap nito simula nang umere ito noong September, 2015.

Sinasabing tatapusin na FPJAP ngayong Abril 2017 pero napakaraming viewers ang humihiling na huwag muna itong tapusin kaya tingnan natin kung ano ang magiging announcement ng Dreamscape Entertainment tungkol dito.

 

vuukle comment

DANICA SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with