^

Punto Mo

Ang Hambog

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG Setyembre 1973, naisipang hamunin nang noo’y world’s top-ranked tennis player, Bobby Riggs si Billie Jean King ng isang laban na tatawaging “Battle of the Sexes” match. Si Billie Jean naman ang may hawak ng korona sa tennis women’s division.

Upang mapasikat ang larong tennis, naisipan ni Bobby Riggs na hamunin ang lahat ng magagaling na babaeng tennis player. Isa pa, may kayabangan kasi itong si Bobby Riggs at self confessed male chauvinist. Gusto niyang patunayan sa mundo na mas magaling ang mga lalaking tennis players kaysa mga babae.

Noong una ay tumanggi si Billie Jean. Kaya ang una munang nakalaban ni Riggs ay si Margaret Court. Si Riggs ay 55 taong gulang samantalang 30 taong gulang si Court. Unfortunately, natalo sa laban si Margaret. Lalong lumobo ang ulo ni Riggs. Kung anu-anong panlalait tuloy ang sinabi niya sa mga babaeng tennis players kaya nainis si Billie Jean at tinanggap niya ang hamon ng hambog na si Riggs.

Noon ay 26 taong gulang si Billie Jean. Bago ang laban, laman ng diyaryo at mga TV talk shows si Riggs. At sa mga interbyu sa kanya, hindi nawawala ang panlalait niya kay Billie Jean. Sabi niya sa isang talk show:

 Pagkatapos ng laban namin ni Billie Jean, magigising siya sa katotohanan na ang  mga babae ay para lang manganak, mag­linis ng bahay, magluto at mag-alaga ng anak. Sa aming laban, palalabasin ko ang kanyang kahinaan. Paiiyakin ko siya sa court. Hintayin n’yo ang magiging drama niya. Magiging masaya ito ! 

May drama nang naganap bago magsimula ang laro. May giant lollipop na ibinigay si Riggs kay Billie Jean, simbolo ng binebeybi niya ito o minamaliit ang kakayahan ng kalaban. Pero nakahanda si Billie Jean, binigyan niya ng kulig (baby pig) si Riggs bilang simbolo ng pagiging baboy nito o pambababoy sa kakayahan ng mga kababaihan. At nagsimula ang isang nakaka-suspense na laro.

Dala marahil ng inis kay Riggs at matinding hamon na patunayang magaling ang mga babae, isang matinding laban ang ibinigay ni Billie Jean. Sa 3 sets ng game, wala kahit isang naipanalo si Riggs. Pinakyaw ni Billie Jean ang panalo: 1st set—6-4; 2nd set—6-3 at 3rd set—6-3. Pagkatapos ng laro ay nagkulong ng 4 na oras sa kanyang hotel room si Riggs. Siya pala ang magdadrama! Napahiya siya sa 90 milyong manonood sa buong mundo. Ang 50 milyong manonood ay mula sa US.

vuukle comment

HAMBOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with