^

Pang Movies

Kylie nag-iba ng lifestyle kaya nawala ang depression

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Bago matapos ang reign ni Miss International 2016 Kylie Verzosa sa taong ito, nakagawa siya ng isang online support group para sa kanyang advocacy for mental health awareness.

Ang tawag sa kanyang online support group ay Mental Health Matters.

Ayon pa sa beauty titleholder, ang kanilang aim sa pagbuo ng online support group na ito ay ang magbigay ng emotional support sa mga taong dumadaan sa depression, anxiety disorder at iba pang forms of mental illness.

Hindi naman itinatago ni Kylie na siya mismo ay dumaan sa sakit na depression.

Heto ang kanyang post sa Instagram account:

“Life will surprise you in many ways. Learn how to ask, believe and receive, not to mention persevere. --- I together with my sister and a few good people, have created an online support group for my mental health advocacy.

“We will be sharing information about mental health issues such as depression, anxiety and bipolar disorder. And have created a separate group for people going through it, or who think are going through it.

“There will be people monitoring it as often as possible. So Feel free to join and share! It’s an open space. Link in Bio #mentalhealth

May mababasa rin daw stories at mga video clips sa Facebook group ng Mental Health Matters ang ilang tao na dumaan sa iba’t ibang klaseng mental health issues.

Noong 2014 ay na-diagnose si Kylie with clinical depression at gusto niyang maging inspiration at hope sa iba pang dumaan sa ganung sakit.

Iniba raw ni Kylie ang lifestyle niya sa pamamagitan ng pag-exercise, yoga at magkaroon ng healthy at positive outlook sa buhay.

“I am not a professional but I know how you feel because I have been there. I encourage emotional support... Remember, suicide must NOT be an option. Help me save lives.

“Let us support one another. We are not alone and we can get better and live our dreams just like I do,” pagtatapos ni Kylie.

R.S matagal pinangarap ang award

Hindi pa rin makapaniwala si R.S. Francisco na siya ang nanalong Best Actor sa nakaraang Sinag Maynila 2017 awards night para sa pelikulang Bhoy Intsik.

Ka-tie ni R.S. sa naturang award ay si Kristofer Martin para sa pelikulang Kristo.

Special nga raw ang naturang award dahil matagal na raw niyang inasam na manalo ng acting award ever since na nagsimula siyang umarte sa edad na anim. Kaya hindi raw niya napigilan ang maiyak noong tanggapin niya ang kanyang trophy.

Binasa pa raw niyang mabuti ang card kung totoong pangalan niya ang nakalagay. Baka raw kasi ma-La La Land siya na nagpasalamat na pero iba pala ang nanalo.

Nagwagi rin ang Bhoy Intsik ng Sinag Box Office Award.

Bagong album ni Ed Sheeran sinakop ang British Pop Chart

Ang British singer-songwriter na si Ed Sheeran ang fastest-selling solo male artist sa history ng British music dahil ang kanyang bagong album na may titulong Divide ay na-dominate na ang British Singles Pop Chart.

Sa unang week pa lang ng album, bumenta na ito ng 672,000 copies. Puma­ngatlo ito sa all-time highest seller album ni Adele na 25 at Be Here Now ng Oasis.

Na-achieve na nga ni Sheeran ang double platinum status dahil sa album na ito.

Ang lead single ng album ay Shape of You na ni-release noong January at bumenta ito agad ng 141,000.

Lahat ng 16 songs ni Sheeran sa naturang album ay nasa Top 20.

Ayon sa Official Charts Company, si Sheeran pa lang daw ang nakakagawa ng ganitong klaseng achievement.

Bukod sa store sales, naging highest first week streaming sales din ang Divide.

vuukle comment

KYLIE VERZOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with