^

Police Metro

Umbagerong tatay pinatay sa taga ng anak

Joy Cantos - Pang-masa

Kimkim na poot umabot sa sukdulan...

MANILA, Philippines - Pinagtataga ng isang 25-anyos na anak ang sariling ama nang umabot sa sukdulan ang kinikimkim nitong poot naganap sa kanilang bahay sa Brgy. Gabunon, Tambulig, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din dahil sa mga taga sa katawan ang biktimang si Roberto Apat,  69, isang magsasaka. Habang ang suspek na nahaharap sa kasong parricide ay kinilalang si Joseph Rubio.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-10:00 ng gabi ay lasing na umuwi ang biktima na nagwawala at pinagmumura ang anak at sinaktan.

Nagalit ang anak sa ginawa sa kanya ng ama kung kaya’t kumuha ito ng itak at pinagtataga ang lasenggerong ama hanggang sa ito ay mapatay.

Nabatid na sa tuwing malalasing ang biktima ay sinasaktan nito ang mga anak lalo na ang suspek bukod pa sa pagbabasag ng kanilang mga kasangkapan.

Ang suspek ay kasalukuyan na ngayong nakaditine sa detention cell sa Tambulig Municipal Police (MPS).

 

vuukle comment

ROBERTO APAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with