^

Probinsiya

Anti-ussob ordinance, ipinatupad sa Ifugao

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

DIFFUN, Quirino,, Philippines - Mahigpit na ipapatupad ang bisa ng municipal ordinance na bawal na ang walang pang-itaas na damit sa labas ng kani-kanilang bahay sa bayan ng Lamut, Ifugao.

Batay sa ipinalabas na anti-ussob (half naked) ordinance ng mga opisyal ng Sanguniang Bayan ng Lamut, ay mahigpit na ipinagbabawal ang hindi pagsusuot ng pang-itaas na damit lalo na sa mga pampublikong lugar.

“The Sangguniang Bayan recognizes the need to bring about an atmosphere of decency to uphold higher mo­rals and standards among the residents of the municipality,” nakasaad sa ordinansa.

Ang maaarestong lalabag sa ordinansa ay magmumultahin ng P500 o walong oras na community service sa unang paglabag habang P1,000 o dalawang araw na community service sa ikalawang paglabag.

Aabot naman sa P1,500 multa sa ikatlong paglabag at P2,500.00 o pagkakulong ng 10-araw sa ikaapat na paglabag.

Nilinaw naman na ang mga nakabahag sa mga okasyon na walang damit ay hindi sakop ng nasabing ordinansa.

Ang Lamut, Ifugao ay kilala rin sa pagpapatupad ng iba pang ordinansa tulad ng pagbabawal ng pagdudura sa mga pampublikong lugar, paninigarilyo at pagnganga, pagbabawal ng pagsusuot ng helmet para maiwasan ang riding-in-tandem, pagbabawal ng pagte-text habang nagmamaneho at bawal na gumamit ng mga plastic bags.

vuukle comment

ANTI-USSOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with