^

Police Metro

Mag-asawang trader, itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ang mag-asawang negosyante na nagdonasyon ng lupa  para pagtayuan ng eskuwelahan ng mga batang katutubo matapos na puwersahang pasukin ang tahanan ng mga ito ng hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan sa bayan ng Compostela, Compostela Valley  nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Ramon Pesadilla, 59 at misis nitong si Leonela, 55 , kapwa miyembro ng Compostela Farmers Association.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 11, naitala ang krimen sa loob ng tahanan ng mag-asawa sa Gawad Kalinga Housing Project, Brgy. Osmeña ng bayang ito bandang alas-9 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga armadong kalalakihan na puwersahang pumasok sa tahanan ng mag-asawa.

Ilang saglit pa sunud-sunod na putok  ang umalingawngaw sa lugar  na tuluyang tumapos sa buhay ng mga biktima.

Sa pahayag ng mga testigo ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Nabatid na ang mag-asawa  ay nagdonasyon pa ng lupa na pinagtayuan ng Community Learning Center para sa mga batang katutubo.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.

 

vuukle comment

RAMON PESADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with