^

PSN Showbiz

Pelikula ni Bela official entry sa filmfest sa Amsterdam

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Masaya si Bela Padilla dahil kasali sa Official Selection ng 10th CinemAsia Film Festival sa Amsterdam ang pelikula niya, ang I America.

Malaking karangalan para kay Bela ang pagkilala sa pelikula na siya ang bida.

Magsisimula sa March 7 at matatapos sa March 12 ang 10th CinemAsia filmfest pero hindi makakadalo si Bela dahil sa kanyang busy sche­dule.

Imposible na makalipad sa Amsterdam si Bela dahil sa thrice a week ta­ping niya para sa isang television show ng ABS-CBN.

Ipalalabas na rin sa mga sinehan sa March 22 ang Luck at First Sight kaya kailangan si Bela sa presscon at promo ng unang movie team up nila ni Jericho Rosales.

Nakasalalay kay Bela ang tagumpay ng Luck at First Sight dahil siya ang lead actress.

Malamang na makibalita na lang si Bela sa representative ng I America tungkol sa mga ganap sa 10th CinemAsia filmfest.

Halle Berry naki-ride na rin sa Versace on the Floor ni Bruno Mars

Ang kiri-kiri ni Halle Berry dahil gumawa siya ng video na background music ang hit song ni Bruno Mars na Versace on the Floor.

Versace gown ang suot ni Halle nang dumalo ito sa kontrobersyal na 89th Academy Awards at nang umuwi siya ng bahay, dumiretso ang hitad sa swimming pool, hinubad ang Versace gown na literal na inilagay niya sa sahig.

Winner na winner ang pakulo ni Halle pero marami ang nabitin dahil hindi naman niya ipinakita ang hubad na katawan habang lumulusong sa swimming pool.

Naki-ride on lang si Halle sa popularity ni Bruno Mars na kababayan natin dahil Pilipino ang nanay niya na nag-goodbye earth noong 2013. Mema lang si Halle pero success ang gimik nito dahil pinag-usapan siya.

Mariel inaasahang masusungkit na ang korona sa Binibini

Official candidate na si Mariel de Leon ng Bb. Pilipinas 2017 dahil kasama siya sa Top 40 na pinili mula sa 55 aspiring beauty queens.

Candidate number 15 ang anak nina Sandy Andolong at Christopher de Leon. Never ako na nagduda na baka hindi makalusot si Mariel dahil beauty and brains siya. Sumali na si Mariel sa Bb. Pilipinas 2013 pero hindi pa siguro niya panahon dahil bagets na bagets pa siya noon.

Alam na alam ko na ang magiging scenario sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2017. In full force na pupunta sa Smart Araneta Coliseum ang pamilya ng De Leon at Andolong para bigyan si Mariel ng emotional, moral, at spiritual support.

Sa rami ng mga beauty title na ipamimigay ng Bb. Pilipinas Charities, Inc. ngayong taon, wala akong makita na dahilan para hindi maiuwi ni Mariel ang isa sa mga korona.

Kylie nahanapan ng kapalit sa Encantadia

Bagong recruit sa Encantadia ang Starstruck VI contestant na si Arra San Agustin.

Ariana ang name ni Arra sa Encantadia at ang tsismis, siya ang reincarnation ni Sangg’re Amihan, ang karakter ni Kylie Padilla na nabuntis ni Aljur Abrenica kaya pinatay sa sikat na telefantasya ng GMA-7.

Para makumpirma kung totoo na si Arra ang bagong tagapag-alaga ng isa sa mga brilyante ng mga Sang’gre, subaybayan n’yo na lang ang Encantadia mula Lunes hanggang Biyernes.

vuukle comment

OFFICIAL SELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with