^

Pang Movies

Utos ng DOLE sinusuway ng mga artista

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakalulungkot isipin na sa kabila ng matagal nang kasunduan na mayroon lamang 12 oras na kailangang magtrabaho ang isang artista ay hindi naman natutupad iyon. Maski na nga iyong child stars na dapat hindi abutin ng magdamag sa shooting ay pinagtatrabaho pa rin. Kadalasan daw kung may dara­ting na taga-DOLE, itinatago ang mga bata para hindi makita. Pero minsan nagkakabukuhan din dahil nakikita ang kanilang mga magulang na nandoon pa rin.

Natawag ang aming pansin noong dalawang magkasunod na istorya. Una, iyong nadala sa ospital si Alden Richards, na sinasabing namaga raw kasi ang tonsils, pero nang mapahinga nang ilang araw lamang sa ospital ay bumuti naman agad ang kalagayan. At kaya raw ito nagkasakit  ay dahil sa sobrang pagod.

Kasunod noon, nabalita ring hi­ni­matay si Paolo Ballesteros kaya isinugod sa ospital, at ang findings ay dahil na rin sa sobrang pagod.

Bukod kasi sa kanilang daily shows, may mga programa pa silang iba, at marami pa silang mga out of town performances, kaya maliwanag na kulang talaga sila sa pahinga. Pero ganyan talaga ang nakagawiang buhay ng isang artista basta sikat ka, talagang paspasan ang trabaho.

Noon ngang araw, iyong mga talent ni Kuya Germs sa That’s Entertainment, may mga panahong naglalagare sa tatlong iba’t ibang probinsiya dahil sa out of town shows.

Naniniwala kami na dapat magkaroon ng limitasyon ang trabaho ng mga artista. Kagaya rin naman ng ibang manggagawa, kailangang siguruhin na may sapat silang pahinga. Nakakalungkot isipin na malalaki nga ang kita nila, abuso naman ang trabaho nila.

Daniel at Erich civil na

Hindi totoo na sweet sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales habang sila ay may show sa abroad. “All for show lang iyon,” sabi ng isang kasama nila.

Ang tsismis, basta raw wala na sila sa mata ng publiko ay wala na rin. Ang maganda nga lang, civil naman sila sa isa’t isa, hindi kagaya noong una na nagkakabatuhan pa ng akusasyon.

Nagkakaedad na actor gusto nang ibaon sa lupa ang pagsa-sideline noon

Ang pakiusap ng isang male star, “Bigyan naman ninyo ako ng chance na magbago. Nagkaka-edad na rin naman ako, at saka dalawa na ang anak ko. Kung ano man ang nagawa ko noon, gusto ko nang talikuran iyon,” sabi niya.

Kasi noong araw, kilala ang actor-aktoran na ito sa kanyang mga sideline. Naging boytoy siya ng isang make-up artist, isang director, isang TV host, isang female bold star, at may mga movie writers pa yata siyang “naging friends”. Buti naman magbabago na siya. Noon kasi, basta kinakapos na siya ng pera, nagtatawag na siya sa “friends” niya.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with