^

Punto Mo

Mga pasaway, maraming dinamay

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Malaking ingay talaga ang nilikha ng naganap na pagpatay sa Korean trader na dinukot  at pinatay pa sa loob mismo ng Camp Crame.

Dahil nga rito,  nalalagay na rin ngayon sa alanganin pati ang posisyon ni PNP chief Director General Ronald ‘‘Bato’’ dela Rosa.

Noong nakaraang linggo naging matindi ang panawagan ng netizens at maging mismo ni House Speaker Pantaleon Alvarez  na nagsabing dapat magbitiw si Gen. Bato sa po-sisyon dahil nga sa pangyayaring Command responsibility at mismong sa kanyang bakod nga naganap ang kontrobersiyal na krimen.

Hindi lang yan ang masakit pa nga ay napupulaan tuloy  maging  ang mga lehitimong kampanya partikular sa ilegal ng droga at programa ng PNP dahil sa pangyayaring ito.

Hindi lang sa bansa kungdi pati sa ibang bansa tampok ang pangyayaring ito.

Ang Korea naman ay humihingi ng matinding imbestigasyon ukol dito.

Matindi talaga ang dulot ng ilang pasaway na pulis na ito.

Ngayon nga ay may hiling yatang maging witness itong si PO3 Ricky Sta. Isabel.

Si Sta. Isabel ang siyang itinuturong nanguna sa pagdukot sa Koreano na si Jee Ick Joo sa bahay nito sa Angles Pampanga.

Siya rin ang itinuturo ng kapwa niya pulis na siyang pumatay sa biktima sa loob ng sasakyan sa loob ng Crame.

Si Sta. Isabel na noong una ay itinanggi ang kanyang pagkakasangkot,  na ngayon naman ay sinasabi ng kampo nito na hindi siya ang utak sa lahat, kundi may mas mataas pang opisyal na kinukunan nito ng order.

Ano  ba talaga  kuya?

Mukhang pinapaikot na lang tayo ng parak na ito.

Kontido tanggu noong una na parang siya ay inaapi ng PNP at ngayon nagtuturo  pa, ngayon ibunulgar daw kung sino ang utak.

Bagamat naniniwala ang marami na malamang sa malamang na may mas mataas pa talagang opisyal ang  may kinalaman sa insidenteng ito ,  pero ang naging partisipasyon ni Sta Isabel na siya ring itituturo g bumigti sa biktimang Koreano na ang ibig lang sabihin malaking ang papel na ginampanan nito sa krimen.

Patay na ang biktima at humingi at nakatamggap pa ang grupo ng lima g milyon ransom sa misis ng dayuhan.

Eto pa, humihirit pa uli at buti nanlang naglakas loob ang misis ni Jee na magsumbong kaya lang napansin nang husto ang kaso.

Marapat siguradong pag- isipang mabuti kung kailangan bang tanggapin sa witness protection program  o hindi itong si Sta. Isabel base sa bigat ng kanyang naging papel o partisipasyon sa krimen.

Bukod pa sa napakarami ang nadamay sa insidenteng  ito hindi lang ang kabuuan ng PNP kundi ang buong bansa na ngayon ay dito nakatutok ang ibang nasyon.

Aantabay tayo sa magiging takbo ng kaso sanpangyayaring ito na sana nga ay umusad ng mabilis at mapapanagot ang mga totoong sangkot.

Ano  ba talaga  kuya?

Mukhang pinapaikot na lang tayo ng parak na ito.

Kontodo tanggi noong una na parang siya ay inaapi ng PNP at ngayon nagtuturo  pa, ngayon ibinulgar daw kung sino ang utak.

Bagamat naniniwala ang marami na malamang na may mas mataas pa talagang opis­yal ang may kinalaman sa insidenteng ito,  pero ang na­ging partisipasyon ni Sta. Isabel na siya ring itinuturong bumigti sa biktimang Koreano na ang ibig lang sabihin malaki ang papel na ginampanan nito sa krimen.

Patay na ang biktima ay humingi at nakatanggap pa ang grupo ng limang milyon ransom sa misis ng dayuhan.

Eto pa, humihirit pa uli at buti nalang naglakas loob ang misis ni Jee na magsumbong kaya lang napansin nang husto ang kaso.

Marapat siguradong pag- isipang mabuti kung kaila-ngan bang tanggapin sa witness protection program o hindi itong si Sta. Isabel base sa bigat ng kanyang naging papel o partisipasyon sa krimen.

Bukod pa sa napakarami ang nadamay sa insidenteng ito hindi lang ang kabu­uan ng PNP kundi ang buong bansa na ngayon ay dito nakatutok at ang ibang nasyon.

Aantabay tayo sa magi­ging takbo ng kaso sa pangyayaring ito na sana nga ay umusad nang mabilis at mapapanagot ang mga totoong taong sangkot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with