^

PSN Showbiz

BF ni Maxine damay sa pressure sa Miss U Aiza nag-sorry kay Tito Sen

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Aminado ang model/actor boyfriend ni Maxine Medina na si Marx Topacio na nasasaktan din siya sa mga pamba-bash sa pambato natin sa Ms. Universe 2016.

Lalo raw napi-pressure si Ma­xine dahil sa mataas na expectations sa kanya.

Kaya nandiyan lang daw siya para sumuporta. Kaya okay lang daw na matagal-tagal din silang ‘di nagkikita dahil kailangang mag-focus ni Ma­xine sa competition.

Nakikita raw niya ang determinasyon kay Maxine na mag-back to back win ang Pilipinas sa Miss U dahil iyon daw ang inaasahan ng mga tao sa kanya.

Samantala, kinumpirma ng Ms. Universe 1994 Sushmita Sen na darating siya ng bansa para umupong judge sa Ms. Universe. Darating din daw si Ms. Universe 1993 Daya­nara Torres na inaasahang magiging judge din.

Sa Lunes na raw darating si Da­ya­nara at doon na lang niya kukumpirmahin kung uupo nga ba itong judge.

Lalong nakaka-pressure raw ito kay Maxine.

PAK: Winner ang bagong dubs­mash ni Maine Mendoza na Nung Ako’y Bata Pa na kuha sa Facebook nung batang tinulak at sinuntok ng kapatid na lalaki. Ang bilis kumalat ng bagong dubsmash na ito na ipinost niya sa kanyang Twitter account.

Kalat na kalat na ito dahil sa napa­ka­bonggang pagka-dubsmash ng phenomenal star. Talagang pinatunayan ni Maine ang pagiging reyna niya ng dubsmash.

Malamang na isa sa mga araw na ito ay magi-guest sa Eat Bulaga itong batang kinopya ni Maine.

Samantala, naantala ang taping ng Destined To Be Yours nina Maine at Alden Richards dahil nasa Amerika ang Pambansang Bae para sa GMA Pinoy TV event. Kailangan pa raw nilang maglipat ng location dahil sa madalas na pag-uulan sa Dolores, Quezon na pinagtiteypingan nila.

BOOM: Mukhang okay na sina Sen. Tito Sotto at Aiza Seguerra pagkatapos nilang magkaroon ng conflict sa “condom issue”.

Ayon sa aming source, naki­pag-communicate na raw si Aiza kay Sen. Sotto para linawin ang panig niya. Nagkausap na raw ang dalawa at nagkalinawan.

Tinanong namin ang senador kung totoo nga ito, text back niya sa amin; “Yes, she sent some text and I replied. Ok na. We understand each other. She apologized at the outset.”

Hindi na rin nagpa-interview si Aiza dahil okay na nga sila ni Tito Sen.

 

vuukle comment

MAXINE MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with