^

PM Sports

Baby Falcons tangka ang ika-8 sunod na panalo

Pang-masa

LARO NGAYON

(Filoil Flying V Centre)

9 a.m. – NU vs Ateneo (Jrs)

11 a.m. – FEU vs AdU (Jrs)

1 p.m. – DLSZ vs UST (Jrs)

3 p.m. – UPIS vs UE (Jrs)

 

MANILA, Philippines - Hangad ng Adamson University na masustinihan ang kanilang magandang ipinakita sa first round sa pagharap sa Far Eastern University-Diliman sa pagbabalik-aksiyon ng UAAP Season 79 juniors basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Tangka ng Baby Falcons ang ikawalong sunod na panalo sa alas-11:00 ng umagang pakikipaglaban sa Baby Tamaraws sa unang laro ng liga matapos ang isang buwang Christmas break.

Sa iba pang laban bilang pasimula ng second round action, haharapin ng defending champion National University ang Ateneo sa alas-9:00 ng umaga habang sasagupain ng De La Salle-Zobel ang University of Santo Tomas sa alauna ng hapon at tatagpuin naman ng UP Integrated School ang University of the East sa alas-300 ng hapon.

Kung masu-sweep ng Adamson ang second round ay awtomatiko silang papasok sa best-of-three championship ngunit siguradong lahat ng iba pang teams ay determinadong pigilan sila.

Nakasunod ang Bullpups sa Baby Falcons na may second-best record na 6-1. Ang FEU-Diliman ay may limang panalo sa pitong laro.

Nasa ikaapat na puwesto ang Blue Eaglets na may 4-3 record habang ang Junior Maroons at Junior Archers ay tabla sa 2-5.

Ang Junior Warriors at Tiger Cubs ay kulelat sa parehong 1-6 slates.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with