^

PSN Palaro

24-man Gilas pool ihahayag sa Jan. 22

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ihahayag na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA) sa Enero 22 ang Gilas Pilipinas lineup na sasabak sa mala­laking international competitions sa taong ito.

Binubuo ang Gilas pool ng 24 manlalarong papa­ngalanan ng SBP at PBA matapos ang laban ng Alaska at Mahindra at bago magsimula ang laro ng Barangay Ginebra at Phoenix sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pangungunahan nina SBP president  Al Panlilio,  PBA commissioner Chito Narvasa at PBA Board of Governors ang pagsisiwalat ng pangalan ng mga manlalarong pa­pasok sa Gilas squad.

Nakatakdang isumite ng SBP ang 12-man final lineup sa Abril para sa SEABA Men’s Basketball Championships.

Pasok na sa listahan sina Gilas cadets Carl Bryan Cruz ng Alaska, Kevin Ferrer ng Barangay Ginebra, Mac Belo ng Blackwater, Von Pessumal ng GlobalPort, Russel Escoto ng Mahindra, Ed Daquioag ng Meralco, Alfonso Gotladera ng NLEX, Matthew Wright ng Phoenix, Mike Tolomia ng Rain or Shine, Arnold Van Opstal ng San Miguel Beer, Jio Jalalon ng Star at Roger Pogoy ng TNT.

Madaragdagan pa ito ng 12 manlalaro mula sa PBA.

Nauna nang napagkasunduan na magpapahiram ng isa hanggang dalawang manlalaro ang bawat koponan sa liga.

Hahawakan ang tropa ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na siyang humalili kay Tab Baldwin.

Ilan sa mga posibleng mapasama ay sina Gabe Norwood, Jeff Chan at Raymond Almazan ng Rain or Shine; June Mar Fajardo, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter ng San Miguel Beer at Paul Lee at Marc Pingris ng Star Hotshots na dati nang miyembro ng Gilas.

Kabilang din sa mga inaasahang kandidato sina Calvin Abueva ng Alaska, Terrence Romeo ng GlobalPort, JC Intal ng Phoenix at Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra.

Isasama sa listahan si naturalized player Andray Blatche na kasalukuyang naglalaro sa isang Chinese league sa Xinjiang, China.

 

vuukle comment

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with