^

Police Metro

3 sabungero tinodas sa tulay

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pang-masa
3 sabungero tinodas sa tulay
Batay sa ulat na nakarating kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ala-1:30 ng madaling araw ay galing sa isang sabong sa Barangay Osias ang mga biktima.

MANILA, Philippines – Pinagbabaril ang tatlong magkakamag-anak habang pauwi sa kanilang bahay mula sa isang sabungan na naganap sa  tulay na nagdudugtong sa hangganan ng Brgy. Poblacion at Brgy. Aringay, Kabacan, North Cotabato, kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Franz Marion Uyangurin Villanueva, 28, Gerry Villasor Uyanguren, 52; at Roland Villasor Uyanguren, 48, kapwa residente ng Barangay Aringay.

Nakaligtas naman sa nasabing pamamaril ang dalawang angkas na sina Calixto Villasor, 41, residente ng Barangay Ka­yaga at Richie Daniles, 32, may-asawa at residente ng Villa­nueva, Poblacion ng ba­­yang ito.

Batay sa ulat na nakarating kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ala-1:30 ng madaling araw ay galing sa  isang sabong sa Barangay Osias ang mga biktima.

Papauwi na ang mga ito sakay sa kani-kanilang motorsiklo at pagdating  sa bahagi ng tulay sa nabanggit na lugar ay dito na sila pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang kalalakihan.

Narekober sa crime scene ang 50 basyo ng bala mula sa 5.56 caliber pistol na ginamit sa pamamaril. Hindi naman tinangay ng mga suspek ang motorsiklo at pera ng mga biktima.

vuukle comment

SABUNGERO TINODAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with