^

Police Metro

3 dedo, 5 tiklo sa buy bust

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsagawa nang magkakahiwalay na buy bust operations ang MPD sa Tondo at San Andres Bukid, Maynila na kung saan ay nasawi ang tatlong drug pusher kabilang ang isang mag-utol at naaresto ang limang iba pa na naganap kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Ang magkapatid na nasawi ay kinilalang sina Rodolfo, 48, car wash boy, at Jerome Tan, 35, kapwa residente ng no. 847-C Tahimik St., Tondo.

Batay sa ulat, dakong alas-2:20 ng madaling araw nang isagawa ng Manila Police District-Station2-Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Unit (SAID-SOTU)  ang buy-bust operation laban sa magkapatid sa kanilang bahay.

Habang bumibili umano ang poseur buyer na si PO1 Willard Fajardo sa suspek na si Rodolfo  at namukhaan ito na pulis kaya nagbunot ng baril  at ipinutok na hindi naman tumama.

Naging alerto ang back-up ni PO1 Fajardo kaya binaril ang suspek na tinamaan sa leeg.

Lumabas naman si Jerome at tinangka nitong sumaklolo sa kapatid  na may hawak na kalibre 38 baril kaya’t binaril ito ng mga pulis.

Dinakip naman ng mga operatiba ang misis ni Rodolfo na si Carolina dahil hinaharang nito ang operasyon na nagtangkang itago ang mga plastic sachet ng shabu.

Ang ikalawang pangyayari ay naganap dakong alas-10:30 ng gabi nang nasawi si Emelio Blanco  alyas “Jack Lord”,  36, ng no. 2464 Mercurio  St., San Andres Bukid matapos kumasa sa buy-bust operation ng mga tauhan ng MPD-Station 6,  sa kanilang bahay.

Dinakip ng mga otoridad ang mga kasama ni Blanco na sina Hilario Maravive, 50, ng Sta. Ana; Gerard Porras, 45, ng Sta. Ana; at Christian Teves, 18, ng San Andres Bukid  at live-in partner ni Blanco na si Marie Tamayo, 45.

vuukle comment

DRUG PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with