^

Police Metro

3 pang suspect sa bigong US Embassy bombing tugis

Joy Cantos - Pang-masa
3 pang suspect sa bigong US Embassy bombing tugis
Iprinisinta kahapon sa media ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa ang dalawang naarestong suspek sa bigong pagbomba sa US Embassy na kinilalang sina Jiaher Guinar at Rayson Killala alias Rasid na umano ay mga miyembro ng Maute terrorist group.
Boy Santos

MANILA, Philippines - Tinutugis ng mga otoridad ang tatlo pang suspect sa bigong pagpapasabog sa US Embassy habang isinailalim naman sa terror alert level 3 ang buong bansa.

Inihayag ni PNP Chief P/Director General Ro­nald “Bato” dela Rosa na itinaas na sa ‘terror alert level 3’ ang bansa kasunod nang pagkakaaresto sa dalawang responsable sa pagtatanim ng bomba sa harapan ng US Embassy sa Roxas Boulevard noong Nobyembre 28.

Iprinisinta sa media ang dalawa sa mga nasakoteng suspek na sina Rayson Kilala alyas Rasid, 34; na nahuli sa Bulakan, Bulacan at Jiaher Guinar, 30, tubong Marawi City, Lanao del Sur na nahuli sa Brgy. Bagong Silang, Caloocan City. 

Ayon kay Dela Rosa, positibong itinuro  ng isang testigo na si Guinar ang naglagay ng Improvised Explosive Device (IED) sa basurahan sa harapan ng US Embassy habang si Rasid naman ang nagmaneho ng behikulong sinakyan ng mga ito.

Sa ilalim ng ‘terror alert level 3’ ay paiigtingin muli ang mga mobile checkpoints at asahan na ang Oplan Sita anumang oras habang maglulunsad din ng mga raids.

vuukle comment

US EMBASSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with