^

PSN Showbiz

Inah seseryosohin na raw ang pag-aartista!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magtatapos na ang GMA’s Afternoon Prime series na Oh, My Mama ngayong Biyernes, December 2 kaya naman maraming malalaking rebelasyon ang dapat abangan.

Unang proyekto ni Inah De Belen itong Oh, My Mama at bida siya agad rito bilang si Maricel. After niyang mababad sa pag-arte, na-realize ni Inah na ito raw ang bagay na gusto niya pa lalong pag-aralan at i-pursue.

“Nung una, nakaka-overwhelm siya pero kapag sanay ka na, okay na. You think you have accomplished everything already but after doing the show, I felt like I’ve accomplished a lot and I am really proud of myself because I didn’t expect na ‘yun ‘yung magiging potential ko. Actually, because of this show, na-realize ko na ito talaga yung gusto kong gawin,” pagbabahagi ni Inah.

Ayon naman sa isa sa dalawang leading men ni Inah na si Jake Vargas, marami siyang unforgettable scenes habang ginagawa ang role at talaga raw na na-enjoy niya ito, “Pinakamemorable sa akin talaga ay ‘yung role ko as Julio kasi first time ko na magkaroon ng character na maangas at matapang. Gusto ko rin talaga ‘yung mga ganitong klaseng role at nag-enjoy talaga ako doing our fight scenes.”

Para naman sa isa pang leading man ni inah na si Jeric Gonzales , mami-miss daw niya agad ang mga kasamahan dahil matagal nga naman silang nagkasama-sama sa taping.

“Sobrang close namin on and off cam. Ang turing namin sa isa’t isa ay pamilya. Kaming tatlo nina Jake at Inah, very close kami. Palaging masaya sa set kaya mami-miss ko talaga sila,” pag-amin ni Jeric.

Alamin kung alin sa dalawang leading man ni Inah ang finally na bibihag sa puso niya. Napapanood ang Oh, My Mama araw-araw pagkatapos ng Eat Bulaga.

vuukle comment

INAH DE BELEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with