^

Pang Movies

Kabisera ni Nora dapat munang panoorin bago lait-laitin

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ano ba naman ‘yung mga patutsadang bakit nakalusot ang pelikula ni Nora Aunor na Kabisera na dinirehe ni Boy San Agustin sa darating na 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF)?

Superstar si Nora at hindi na rin mabilang ang kanyang mga award na natanggap mula sa iba’t ibang award giving bodies.

Mahalagang makapanood naman ang masa ng makahulugang pelikula at hindi ‘yung pulos kabaklaan. Sa totoo lang, every film festival ay nagsasakripisyo ang moviegoers sa panonood ng kababawang istorya ng isang pelikula. Wala kasing choice ang manonood kaya pinagtitiyagaan na lang nila ang mga istoryang napapanood naman halos sa telebisyon.

PAO Chief iiwan na ang mga dating kasama

Nagmistulang maagang Christmas party for the press ni PAO Chief Persida Acosta ang pa-meet the press niya kamakailan. Nagparinig pa ng dalawang kanta si Atty. Acosta at hindi namin akalain na may boses pala siyang ipagmamalaki.

Almost 20 years din pa lang nakasama ni Atty. Acosta ang kanyang staff ganun din ang pagsisilbi niya sa mahihirap.

Dumating na kasi ang oportunidad na malalagay sa mas mataas na posisyon si Atty. Acosta sa Department of Justice. Tagapagtanggol siya ng mga taong nalalagay sa alanganin at nangangailangan ng katarungan. Isa sa mga natulungan niya ay ang kadeteng taga-Baguio na inapi sa kanyang paaralan.

Natulungan din niya ang ilang netizens na naging biktima ng tanim-bala sa airport. Kung maaari nga lang daw ay ayaw niyang mapahiwalay sa kanyang mga tauhan.

Si Atty. Acosta ay naging Darling Of The Press noong 2012 kung kaya malapit din siya sa entertainment media.

May nakaraan? Alden at Patricia nagtataguan daw sa Bulaga

True kaya na nag-iiwasan sina Alden Richards at Patricia Tumulak sa studio ng Eat Bulaga? Bakit at ano kayang hiwagang bumabalot sa kanilang dalawa kung totoo nga ang balita?

Well, single naman kasi si Patricia na isang beauty queen din. Dati nga ay nasiyeteng type siya ni Sam YG na co-host din noon sa Eat Bulaga.

Hindi rin kasi ganap na malinaw kung may relasyon ba talaga sina Alden at Maine Mendoza dahil pang promo lang ang sweetness kuno ng dalawa sa Kalyeserye. So ano nga kaya ang dahilan kung totoong nag-iiwasan sina Alden at Patricia?                                                                            

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with