^

PSN Showbiz

Kahit third wheel lang ng JaDine, JC maingay na ang career

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Kahit third wheel lang ng JaDine, JC maingay na ang career
JC

Walang alinlangan na muling nakagawa ng bagong star personality ang seryeng Til I Met You na pinagbibidahan ng real sweethearts na sina James Reid at Nadine Lustre, ang 27-year-old na si JC Santos (John Carlo Abrugar Santos sa tunay na buhay), isang theater actor at ngayon ay napapanood na sa telebisyon and hopefully, soon sa pelikula.

Although role ng isang gay ang kanyang ginagampanan sa teleserye, napaka-natural ng pagkaka-portray ni JC sa role na ipinagkatiwala sa kanya ng Dreamscape TV Entertainment.

Si JC ay may girlfriend na, ang kapwa niya theater at TV actress na si Joan Kristin Villanueva na lumabas na rin sa MMK at dating TV series ni Janella Salvador, ang Oh, My G!. 

Bukod sa teatro, si JC ay naging bahagi rin ng ilang TV series ng ABS-CBN tulad ng Flordeliza, Tubig at Langis, FPJ’s Ang Probinsyano.

Busy man ngayon si JC sa kanyang schedule, he makes time para sa kanyang girlfriend of three years.

Helga Krapf nanghihingi ng tulong para sa tatay!

Patuloy na umaapela ang Kapamilya ng German-Filipina actress sa kanyang mga kasamahan sa industriya at maging sa publiko na si Helga Krapf ng financial help para sa agarang angioplasty procedure ng kanyang German father na may sakit ding epilepsy na si Hans Krapf.

Gusto ni Helga na madugtungan ang buhay ng kanyang ama at makapiling pa nila ng matagal-tagal kaya nanawagan siya ng tulong pinansyal at kakailanganin ng kanyang ama ng halos isang milyong piso para sa medical procedure at gamot nito.

Meron na umamong mahigit P100,000 na nalikom. 

Nagpapasalamat si Helga sa mga taong agad tumugon sa kanyang panawagan kaya agad silang nakalikom ng mahigit isang daang libong piso at kasunod na rito ang isang fundraising show na binuo ng kanyang mga kaibigan at kasamahan sa showbiz na gaganapin sa Circus along Tomas Morato in Quezon City para madagdagan ang pondo na kakailanganin sa pagpapagamot ni G. Hans Krapf.

Magpi-pinsang Bongbong, Martin, at Alfred pare-parehong ‘unemployed’

Nakakatuwang tingnan ang magpipinsang Bongbong Marcos, Martin Romualdez, at Alfred Romualdez sa isang okasyon na kung tutuusin ay madalas namang mangyari.

Si Bongbong ay dating senator at kumandidato sa pagka-vice president ng bansa sa huling halalan. Si Martin naman ay nanilbihang kongresista sa unang distrito ng Leyte sa loob ng siyam na taon o tatlong termino. Naging kongresista at mayor ng Tacloban si Alfred. Ngayon ay pare-pareho silang “unemployed” tulad ng pagkakabanggit ng dating mayor ng Tacloban na si Alfred nang ito’y magsalita sa ikatlong taon ng commemoration ng bagyong Yolanda sa Tacloban Astrodome last Tuesday, November 8 ng umaga.  Natawa ang mga panauhin at mga tao sa loob ng Tacloban Astrodome dahil pare-pareho nga silang wala sa puwesto sa gobyerno ngayon. Parehong hindi pinalad sina dating Sen. Bongbong Marcos na mahalal bilang pangalawang pangulo at si dating Cong. Martin Romualdez bilang senador habang si dating Tac­loban Mayor Alfred Romualdez ay pahinga muna sa kanyang political career para asikasuhin ang kanilang family business.

vuukle comment

JC SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with