^

Pang Movies

Thea mas na-appreciate na ang pagmamaldita kesa pagbibida

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Thea mas na-appreciate na ang pagmamaldita kesa pagbibida
Thea

Ini-enjoy ni Thea Tolentino ang pagganap bilang kontrabida kaya naman muli siyang mang-aapi at magmamaldita sa bagong afternoon teleserye ng GMA-7 na Hahamakin Ang Lahat.

Inamin ni Thea na less pressure raw sa kanya ang magkontrabida kesa noong nagbida siya sa teleserye na Pyra, Babaeng Apoy.

Sa Hahamakin Ang Lahat ay hindi raw siya nai-stress dahil hindi sa kanya nakatutok ang mga manonood kundi sa mga bida na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

“Before po kasi noong ginagawa ko ang Pyra, lagi akong kinakabahan kasi baka may mang-okray sa acting ko.

“Eh baguhan lang po ako noon. Konti pa lang ang experience ko sa pag-arte dahil sa Protégé.

“Noong magkontrabida ako noong una sa Anna KareNina. Marami ang nagsabi na bagay sa akin. Hanggang sa gawin na namin ni Barbie Forteza ‘yung The Half-Sisters, doon na ako tumodo sa pagiging kontrabida.

“Yung last ko na Once Again, gano’n din ang ginawa ko at lalo na rito sa Hahamakin Ang Lahat.

“Iniisip ko nga kung sino ang susunod mong pagmamalditahan, eh? Parang iniisa-isa ko na ang mga babae sa GMA!” tawa pa niya.

Pero minsan daw ay wini-wish ni Thea na magbida siya ulit. Ang problema lang daw ay walang maipareha na leading man sa kanya.

“Yun po ang problema. Wala silang maisip na maipares sa akin.

“Si Jeric Gonzales kasi, pine-pair na siya sa ibang mga babae na rin.

“Kapag tinatanong nila ako kung sino ang gusto ko, wala rin akong masagot! Taken na rin kasi ‘yung mga gusto kong maka-partner!” tawa pa niya ulit.

Nag-turn 20 years old na si Thea last August at ready na rin siya sa mga daring role. Nasubukan na niyang mag-two piece bikini at makipag-kissing scene kay Aljur Abrenica sa Once Again. Ano naman ang gagawin niya kay Kristoffer sa Hahamakin Ang Lahat?

“Basta magugulat na lang sila sa gagawin ko,” pagtapos pa ni Thea Tolentino.

Sunshine hindi na iniinda ang ginawa ng asawa

Nagawa ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na magkuwento si Sunshine Dizon tungkol sa mga nararamdaman niya ngayon sa kanyang show na Sarap Diva.

Kahit na mabigat ang pinagdaraanan ni Sunshine ngayon, napansin ni Regine na maaliwalas ang aura nito. Para nga raw walang masyadong hugot ang hitsura ni Sunshine noong araw na iyon.

“Ganun lang talaga. Kailangan lang natin tanggalan ng negative sa buhay at i-refocus ang life,” ngiti pa ni Sunshine.

Maraming mga kababaihan ang nakaka-relate sa situwasyon ni Sunshine ngayon. May ibang ginagawa siyang inspirasyon dahil pinaglaban niya ang kanyang karapatan bilang isang babae.

Kaya hindi pinagdamot ng aktres ang kanyang mga nararamdaman ngayon.

Ayon kay Sunshine: “It’s a little unfortunate but sabi ko nga, hindi naman natin kailangang mag-dwell doon sa bad.

“If my story serves as an inspiration to them then let it be.

“In spite of the ugly story, parang we can all change that.

“We have the power to change that and empower all the women out there to stand for their rights.”

Kiko matindi ang natanggap na torture

Madugo ang magiging ending ng Sinungaling Mong Puso sa Friday at sobrang nasubukan ang pagiging aktor ni Kiko Estrada dahil sa matinding torture scene na ginawa niya.

Very unforgettable para kay Kiko ang pagganap niya sa role bilang Jason sa naturang teleserye ay malaki ang pasasalamat niya sa kanyang co-stars lalo na kay Direk Ricky Davao na tinutukan nang husto ang kanyang mga eksena.

vuukle comment

THEA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with